"Cadence, gising." Gumulong ako sa kabilang gilid ng kama. Ang sakit ng katawan ko at hinang-hina ako. Para akong nabugbog! Kumuha ako ng isang unan at itinakip iyon sa aking mukha. I just want to sleep all day! "Oy, Callio. Gumising ka." Panay ang yugyog sa akin ni Dan, inis kong inalis yung kamay niya. Narinig ko naman siyang nagmura. "Malelate na tayo, hoy!" "Hmmm." Ungol ko. Anong malelate, Linggo ngayon ha? Lumundo bigla yung kama ko. Naupo si Dan. "Tinawagan ako ni Rora, tang ina kailangan nating pumasok." "Ha?" Naningkit ang mata ko. Ang liwanag kasi. "Linggo naman, a?" "Puta, sino ba yung bagong namamahala sa kompanya? Pinapapasok tayong lahat amputa. Linggong-Linggo!" Inis na sinuklay ni Dan ang kanyang buhok. Doon na ako napa bangon. May pasok talaga k

