Puting kisame agad ang naaninag ko pagdilat ng aking mga mata. s**t! Agad akong napaupo. Where am I? Nasapo ko pa ang aking ulo dahil sa biglaan kong galaw. Nasaan na nga ba ako? "I'm glad that you're already awake." Ani ng isang boses na nanggaling sa isang kwarto. Sinilip ko iyon at nakita ko ang paglabas ni Stan, naka puting shirt lang siya at short na pambahay. Nasa condo niya kami? "Anong ginagawa ko dito?" Tanong ko. "You passed out last night." Sagot niya, kinuha niya ang kanyang wrist watch sa maliit na table at pinanuod ko ang pag suot niya dito. "Iinom inom hindi naman pala kaya." Nanliit ang mata ko. Great! Marami nga pala akong nainom kagabi at birthday nga pala ni Meine kaya pumunta kaming Styx. Nasaan na nga ba ako ngayon? Umalis ulit si Stan. Saan kay

