Nagising ako sa lamig na tumatama sa mukha ko. Teka? Nakatulog ba ako? I opened my eys a bumungad sa akin ang kwarto ni Jackson. "Oh crap" Hindi na nga pala marunong maghina ng aircon ang taong iyon. Laging todo todo. Naupo ako sa kama at pinuyod ang buhok ko. Bumangon ako at dumretso sa banyo para maghilamos. Papalabas na sana ako ng cr ng may maamoy ako. Ang bango! "Amoy hipon" usal ko. Nanlaki ang mata ko at napangiti ako. Agad akong nagtatalon palabas habang nakatawa. Nabungaran ko agad sa kusina, which is kusina nya, si Jackson na nagluluto. "Yes" sayaw ko. Napatingin ito sa akin. "Hindi ka man lang nagsuklay" sita nito. "Hindi ka naman inaano ng buhok ko" nakasimangot kong sabi. "It's okay. You still look beautiful" Nawala ang ngiti ko. Hinango na nito sa kalan ang ul

