"Hey"
Napakunot ang noo ko ng may marinig akong pamilyar na boses.
"Hmm" i reached out for my hair at kinamot iyon bago bumaling ng pagkakahiga.
"Ali, wake up"
"Tia, ano ba?!" irita kong sabi. I stretched out my hand at nagtaka agad ako ng tumama iyon sa kung saan.
"Ali you have to wake up. Pupunta na ako sa headquarters"
Sino ba 'to?
It took me a while before i can finally process what's happening.
Shit.
Napabangon agad ako sanhi para tumama ang noo ko sa kung saan-o kung kanino.
"f**k!" Napamura si Liam.
I opened my eyes just to see him in front of me habang hinihimas ang nasaktan nyang noo.
"Nakupo! Pasensya na! Bakit ka kasi nasa harapan ko!" Sabi ko.
Nang makita nyang bababa ako ng kama ay automatic itong lumayo na para bang natatakot ito sakin
Sa sobrang pagmamadali ko ay hindi ko na naalis ang kumot na nakabalot sa binti ko kaya nang tumayo ako ay-
Thud!
"Oww!" rinig kong napangiwi si Liam.
Dumagundong sa sahig ang pagkakabagsak ko at kahit ako ay napangiwi.
"Ano bang sasabihin mo?" sabi ko habang hawak ang namumula kong kamay dahil iyon ang pinangtukod ko sa sahig no'ng bumagsak ako.
Ayoko naman iaro ang mukha ko sa sahig.
"Pupunta na ako sa headquarters. Wag kang lalabas" bilin nya
"Oo naman! Tsaka..." i stand up and sat at the edge of the bed, "Ano namang gagawin ko sa labas?" malungkot na sabi ko.
Liam sighed heavily.
"Biro lang!" sabi ko at pinilit tumawa. Mukha naman syang naconvince kaya napangiti ito.
Inihatid ko sya papalabas ng pinto. Akala ko ay aalis na sya pero bumaling ulit sya sa akin at nagsalita.
"Nga pala, wag kang sasagot kung sakaling may kumatok sa labas. May pagkain sa loob ng Ref." he paused for a second para isipin kung alin pa ang nakakalimutan nyang ibilin sa akin.
"Pagbalik ko, may dala na akong mga damit pero kung gusto mong magpalit, pwede kang kumuha sa cabinet ng kwarto mo, mayroong mga extra tshirt do'n na hindi ko pa nagagamit" paliwanag nya.
Tumango lang ako. Pinapasok nya ako sa loob bago binuksan ang pinto at lumabas. Lumapit lang ako sa pinto para i-lock iyon ng marinig kong nakaalis na si Liam.
Nang maiwan akong mag-isa, napaupo ako sa sofa at napatulala. Walang kahit ano sa mga gamit ang nagugustuhan kong galawin kaya nagdesisyon akong pumunta ng kusin para tingnan ang mga pagkain.
Dumeretso agad ako sa Ref at binuksan iyon. Sa pinto ng Ref ay may mga inumin gaya ng ilang beer at mga juice. May mga hilaw na karne sa taas ng Ref at mga nakapacked na pagkain na iiinit na lang.
Kumuha ako ng isang pagkain na nasa loob ng isang transparent na square na lalagyan. Napatingin ako sa oven at napasimangot.
"Hindi naman kita alam gamitin" bulong ko.
Napatingin naman ako sa kalan ni Liam. Transparent iyon at may mga switch sa gilid. Napailing ako.
"Hindi ko rin alam"
Bigla namang kumalam ang sikmura ko kaya napatingin ako sa loob ng tray na may lamang pagkain. Nakabalot pa ang tray sa plastic. Lumapit ako sa isa sa mga Drawe at binuksan iyon.
"Asan ba ang kutsilyo dito o kaya gunting?"
Lumuhod ako para sa pinakailalim na drawer at sinubukang buksan iyon. Doon ay tumambad sa akin ang maraming klase ng Kutsilyo. May mga maiikli, may di gaanong mahaba at may ilan do'n na ang talim at maninipis pero sigurado akong matatalas iyon.
Napataas ang kilay ko dahil don. I tried to search my emotions kung nakakaramdam ba ako ng takot kay Liam pero nagkibit balikat lang ako ng wala man lang akong maramdman.
But is till hve to be careful.
Siguro ay dahil kilala nya ang Shell o baka kilala sya ng Shell kaya gano'n pero hindi ako pwedeng hindi mag-ingat.
Kumuha ako ng kutsilyo at tinastas ang gilid ng plastic na nakabalot sa tray. Pagkatapos kong gamitin iyon ay ibinalik ko rin agad at kumuha na ako ng kutsara.
Inihalo ko ang ulam na may sabaw sa kanin at dinurog ko iyon. Nang makuntento ako ay sumubo agad ako ng isang marami. No'ng una ay hindi gaanong malasa dahil siguro malamig ito pero no'g nagtagal ay maayos naman ito. I burped after finishing the whole meal. Inilagay ko sa trash can ang plastic tray at bumalik sa sala.
Nahagip agad ng paningin ko ang Tablet ni Liam. Transparent glass iyon na may holographic function.
Kinuha ko iyon at binuksan. Lumitaw do'n ang ibat ibang buttons na hindi ko naman alam basahin kaya napagdesisyunan kong pindutin ang pinakamalaki.
Nanlaki ang mata ko at agad akong kinabahan ng dumilim ang paligid. Namatay ang ilaw sa sala at napalitan iyon ng maliliit na bumbilya. Napailing ako at pinindot ulit iyon. Nakahinga naman ako ng maluwag ng bumalik sa dating liwanag ang unit.
Pinindot ko pa ang isang kulay pula at halos magtatalon ako ng sumara ang mga kurtina. Inilapag ko sa lamesa ang tablet at lumapit sa kurtina sa kusina.
"Bubukas kaya ito kapag hinila ko?"
Hinawakan ko ang isa sa mga kurtina at tinangka iyon hilahin pagilid para bumukas pero hindi nagalaw ang itaas na bahagi kung nasaan nakasabit mismo ang kurtina.
Napasimangot naman ako dahil do'n. Akmang babalik ako sa sala para kunin ang Tablet ng may mahagip ang mata ko sa labas ng Unit.
Halos lumuwa ang mata ko ng makitang may mga lalaking nakasuit na naglalakad papunta sa Building kung nasaan ang Unit ni Liam. Pero hindi dahil lang doon kaya ako halos atakihin sa kaba. Sa tagal kong Umbra, tuwing bumibisita si Jackson sa Center ay lagi kong nakikita at napapagmasdan ang mga Security na kasama nya.
At halos ng lalaki sa ibaba ay mga Security ni Jackson!
"Relax" sabi ko at dali daling kinuha ang Tablet sa lamesa at pumasok sa kwarto ko.
"Andaming Unit dito, baka may bibisitahin sila. Tsaka hindi pa bumibisita si Jakckson sa Center. Imposibleng nalaman na nya nanawawala ang Shell" patuloy kong pangungumbinse sa sarili ko.
Binuksan ko ang Tablet at sinubukang hulaan sa pamamagitan ng mga nakadisplay na picture kung alin ang security footage sa labas ng pinto ng Unit. Luckily, madali ko itong nakita dahil lens ng Camera ang Icon nito. Pinindot ko iyon at hinanap sa screen kung alin ang nasa Front Door.
Napaawang ang labi ko ng makitang tatlo sa security ang nakatigil sa tapat na mismo ng Pinto ng Unit.
Bakit ambilis naman nila?!
As i tried to calm my breathing down, i heard a noise.
And not just some ordinary noise.
But a knock. A freaking knock on the door! On Liam's Door!