Two

1986 Words
Umbras don't even get stressed pero hindi ako mapakali! Bakit parang nakita nya ako? It's already late at sa tingin ko ay 9:00 na ng gabi kaya halos wala ng tao sa labas. Nanatiling bukas ang ilaw sa dalawang floating city at ang ilan sa mga building dito sa baba na nagbubukas lang talaga kapag gabi. I was about to go down in the rooftop nang makita ko ang building na pinaguusapan namin ni Tia kahapon. Yun ang papasukin nila at ngayong gabi na iyon! Bakit ko ba naman nakalimutan yon!  Hindi naman ako sasama sa kanila pero may plano akong bantayan sila sa labas ng building na iyon. Kung may makikita akong papasok o kahit ano mang banta sa kanila masesenyasan ko sila, kung umbra pa sila. Si Yal at Tia lang ang nagkasundong pumasok doon ngayong gabi. Saka na lang papasok ang iba pang barkada ni Yal kapag nagtagumpay ang dalawa na makakuha ng shell. I flew into the front of the building. Isa ito sa pinakamalaking building dito sa baba, sa ngayon ay nakapatay na ang ilaw nito dahil sarado na. Nakita kong pumasok na ang dalawa sa loob. Umupo ako sa isang malaking puno na nasa tabi ng building. Kitang kita ko mula rito ang pintong pinasukan nina Yal at Tia kaya makikita ko rin sila agad kapag lumabas sila. Hindi ko alam pero kinakabahan ako, nagtataka nga ako dahil hindi naman nila ako kasama pero siguro ay dahil na rin sa parehas silang malapit sa akin. They are the closest i have as a family. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito dahil madalas na walang emotional reactions ang mga Umbra sa bagay bagay. Sa mga sumunod na minuto, nilibang ko lang ang sarili ko sa panonood sa mga building na kita mula dito at sa mga kakaunting taong dumadaan na galing siguro sa mga trabaho nila.  Naalala ko tuloy kung paano ko nakilala si Yal. Mabait din ito at makulit pero matured itong mag-isip kumpara kay Tia. Naging malapit din ang loob ko sa kanya kaya lang nakahanap sya ng mga bagong barkadang sasamahan kaya hindi na kami masyadong nagkakausap. Hindi ko maintindihan pero sobrang gaan ng loob ko dito, nagkaroon pa nga ako ng theory na baka magkakilala kami sa past life namin. Speaking of past life, sino kaya ako sa past life ko? Maganda kaya ako d'on? Napatawa naman ako bigla sa isiping iyon. Dahil sa wala kami o hindi kami part ng existence, hindi kami nagrereflect sa salamin, hindi naman nakikita kung anong itsura namin. Kaya hindi ko rin alam kung ano bang itsura ko talaga, pero madalas sabihin ni Tia na maitsura naman daw ako. Ang sabi nya, kulay brown daw ang mata ko at oval shaped ang mukha ko. May katangkaran din ako na sa palagay ko ay nasa 5'6 ang height ko. Biglang pumasok sa isip ko ang kulay blue.  Almond. Almond. Ano nga bang meron sa Almond? Muntik na akong mahulog sa puno dahil nakita ko si Jackson. Papapasok ito doon sa building na pinasukan nina Yal at Tia! At si Jackson nga pala ang naalala ko sa blue dahil sa mga mata nito! "Anong gagawin nya don?" usal ko Pumasok na ito sa building kasama ang dalawang lalaki na sa palagay ko ay bodyguard nito.  Kailangan kong balaan sina Tia at Yal! Akmang tatayo na ako at papasok sa building nang biglang may lumabas na dalawang babae sa entrance door ng building. Parehas na nakaputing lab gown ang mga ito. Napanganga ako. I floated in front of them pero patuloy lang sila sa paglalakad. Nag-uusap ang dalawa tungkol sa kung paano sila napunta doon. Pinagmamasdan ko sila at sinubukan kong hulaan kung sino si Yal o si Tia sa dalawa. Kulay Blonde ang buhok ng isa sa kanila kaya nasisiguro kong si Tia ito. Nabanggit na nya sa akin dati na gustong gusto nya maging blonde kaya sigurado akong ito ang katawang kinuha nya. Kung ganoon... Napatingin ako sa kasama nya na kulay brown at hanggang balikat ang buhok.  "Ito si Yal" bulong ko Naglakad nang naglakad ang mga ito hanggang makarating sa magkatabing bahay. Nagkatinginan pa sila bago kumatok. Nang magbukas ang mga pinto ay bakas sa mga mukha ng sumalubong sa kanila ang gulat. Bahagya pang namutla ang mga ito pero pinapasok pa rin ang dalawa. Una kong pinuntahan ang katawan ni Tia na iginiya ng isang babae papasok ng bahay. Nakaupo na ang mga ito. "Hindi mo talaga naalala kung paano ka namatay?" tanong ng babae  Umiling si Tia. "Kung ganoon sino ka?" tanong muli nito. "Hilary" sagot ni Tia--na nasa katawan ni Hilary. Napatakip ng bibig ang babae at nagsimula umiyak. Niyakap nito si Tia habang humahagulhol. Patuloy nitong sinasabi ang mga salitang 'Anak ko'. Wala na. Hindi na nya ako naaalala. Ang tanging alam na lang nya ay ang buhay ng may-ari ng shell na pinasukan nya. Malungkot akong umalis sa bahay na iyon at tumagos sa kabila kung nasaan si Yal. "Pero matagal ka ng comatose! Bakit hindi ka man lang pinuntahan ng mga doktor ng magising ka!" alalang sabi ng isang lalaki na sa hinuha ko ay ama ng may-ari ng shell. "Dad, hindi ko nga alam kung anong nangyari! Basta naglalakad na lang ako palabas!" Yal reasoned "Oh, my Gerthrude!" he exclaimed then hugged Yal. Pumasok na ang mga ito sa silid sa taas ng bahay. Doon ay naiwan ako sa ibaba habang nakatayo malapit sa pinto at tulala. Parang may tumutusok sa dibdib ko na kung ano pero pinilit kong isantabi iyon. Dapat ay maging masaya ako para sa kanila. Mayroon na silang pamilya at mga taong nakapaligid sa kanila na mahal sila at higit sa lahat, they already have an identity. I floated back on the rooftop with a heavy feeling. I tried to sway it out but it stayed. Kinabukasan, nakaupo na lang ako sa railing ng rooftop at nakatulala sa mga ilaw sa baba. Minsan ay napapatingin ako sa likod ko kapag naaalala ko na ganitong oras ay pinupuntahan na ako ni Tia para makipag kwentuhan. Napabuntong hininga ako. Hindi mo talaga mamimiss ang isang bagay kung hindi mo naman naranasan. Napangiti ako ng makita kong lumabas na magkasama ang dalawa at naglalakad ito papunta sa isang department store. They tapped their pass card tapos nakalusot na sila. Lalo akong napangiti ng maalala kong dati ay tumatagos lang kami dito kaya hindi na namin kailangan ng pass card. Sinundan ko sila sa loob at nakitang namimili sila ng mga damit at sapatos.  Siguro naging close sila noong lumabas sila ng magkasabay doon sa building sa hindi nila malamang dahilan. Napatawa ako sa isiping iyon. Naguluhan siguro sila nang makita ang sarili nila na nakasuot ng lab gown at sabay lumalabas galing sa isang building kasama ang isang taong hindi mo naman kilala. SIgurado akong naayos na agad ng mga pamilya ng may-ari ng shell, na pamilya na rin nila ngayon ang mga papeles nila dahil mukhang may kaya ang mga ito dahil may kagaraan ang mga bahay na nakita ko kahapon. Mukha silang masaya at nagtatawanan pa habang kumukuha ng mga damit na magustuhan nila, samantalang ako sinunsundan ko sila kahit saan silang section magpunta.  I sighed. I think this is gonna be part of my daily routine from now on. Ang bantayan sila and secure them from any harm. Kahit na hindi ako nakakahawak ng mga bagay, im gonna find a way para mabalaan sila kung sakali lang kapag hinihingi ng pagkakataon.  They walked out of the department store at dumaan sa isang restaurant para kumain ng tanghalian samantalang nanatili akong nakabantay sa kanila. I smiled bitterly habang pinapanood ko sila. Masaya silang nagkukwentuhan habang kumakain. I brushed off the negative feeling and tried to smile again but i failed. I feel so sad and alone. Sila na lang kasi ang mayroon ako, tapos ngayon they have each other and i'm out of the picture. An idea suddenly popped in my head but i instantly erased it. I wouldn't do what they did. Hindi ako kukuha ng shell. Hindi dahil sa illegal ito pero i somewhat consider that selfishness. Ayoko na bibigyan ko ulit ng false hope ang mga kamag-anak ang may-ari ng shell na gagamitin ko, even if i would take over the shell's memory and forget about being an umbra, it's still not the real owner of that shell. Para akong nanloloko ng tao. I suddenly came back to reality ng makita kong nasa pinto na pala ang dalawa! I floated immediately into the close door where they exited pero nanlaki ang mata ko ng mauntog ako. "W-what the--" naguguluhang tanong ko Nanlaki ang mata ko at sinubukang hawakan ang pinto pero this time ay tumagos na ang kamay ko. Mabilis ang paghinga ko dahil sa pagkagulat. Bakit nauntog ako kanina? Lumusot na ako sa salamin at hinanap ang dalawa pero mukhang nakalayo na sila dahil hindi ko na sila makita. I floated above para madali ko silang makita pero wala na sila sa area. Mukhang nakalayo na ang mga ito. I sighed at muling tiningnan ang pinto kung saan ako nauntog. Katabi lang nito ang building na kinuhanan nina Yal at Tia ng shell. Dahil hindi ko na sila makaita ay bumalik na lang ako sa rooftop. Kita ko mula dito ang bahay nila kaya kung lalabas ulit sila o babalik na doon ay tiyak na makikita ko sila. Ilang minuto akong nakaupo don ng tinamaan na ako ng boredom. Tumayo na ako sa pagkakaupo sa railing at akmang bababa ng building para gumala ulit ng mahagip ng mata ko ang isang babae na nakahiga sa stretcher. May malay ito pero halatang tulala. Naalarma ako ng makita ko ang ina ng may-ari ng shell ni Tia na kasama sa pagtulak ng stretcher pasakay sa isang bullet train na naghahatid sa ospital. Imbes na ambulance, bullet train ang ginagamit ng Milena para ihatid ang mga emergency cases sa ospital. May mga nurses sa loob non para magbigay ng first aid. Nauna akong makarating sa ospital kaya nakasunod ako sa kanila ng ibaba nila si Tia sa stretcher. Kumakabog ang dibdib ko sa sobrang kaba, walang kahit anong sugat si Tia pero nakatulala lang ito. "Tia? Anong nangyari?" usal ko na para bang maririnig nila ako. Dinala ito sa trauma section ng ospital. Dalawang doktor ang nagaasikaso dito pero hindi pa rin mapakali ang ina nito.  "Hilary?" tawag pansin ng isang doktor dito habang inaayos ang stethoscope nito sa dibdib ni Tia. Hindi sumagot si Tia. The doctor instructed the nurses to carry Tia. Dinala nila ito sa isang tube na gawa sa salamin. The doctor scanned his ID and then selected something on the screen. The glass cover of the tube then closes and then it emitted a grayish-violet light. Nakatatlong daan sa katawan ni Tia ang ilaw bago ito tumigil at muling nagbukas.  Pinayuhan ang ina nito na ikuha muna sya ng suite para mamonitor ang kalagayan nito. Tiningnan ko ang papel na hawak ng doktor ayon sa ginawang test kay Tia pero dahil puro sulat iyon ay wala din akong naintindihan. May ilang sahig at kisame pa akong tinagusan bago ako nakarating sa pintong pinasukan nina Tia. Bumungad sa akin ang kulay yellow at puting kwarto. Nakahiga sa hospital bed si Tia. Lumabas galing banyo ang ina nito na may dalang bimpo at mga damit. Nilinisan nito si Tia at inayos ang magulo nitong buhok. Pinaltan din nito ang damit na suot ni Tia na may mga gabok at pawis. Nakatulala pa rin si Tia at hindi nagsasalita. Malungkot nitong hinaplos ang buhok ni Tia. "Anak? Anong nangyari?" marahan nitong tanong kay Tia Hindi ito sumagot bagkus ay umiling lamang pero nanatiling nakatulala. Nagsimula muling umiyak ang ina nito at sumubsob sa kamay ni Tia. Nakatulog na ito sa kakaiyak kaya lumapit ako sa kama ni Tia. "Tia" usal ko sa pangalan nya Napaawang ang labi ko ng dahan dahan itong tumingin sa kaliwa nya kung nasaan ako. Nakahinga lang ako ng maluwag ng mahalata kong nakatulala pa rin ito. Nararamdaman nya siguro ako. "Tia, anong nangyari?" alala kong tanong na para bang naririnig nya ako Sinubukan kong hawakan ang kamay nya pero tumagos lang ang akin. "Tia? Tia anong nangyari?" naiiyak kong tanong "Jackson" usal nya Nanlaki ang mata ko. "Ano?" "Jackson. Yal. Jackson"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD