Lakad takbo ang ginawa ni Jackson ganoon din si Liam. Ikinasa na ni Liam ang hawak niya nang matanaw nya ang b****a ng papunta sa elevator at patuloy naman ang pagsulyap ni Jackson sa tablet niya. Nang makarating sila sa mismong elevator ay wala nang kahit na sino doon. Muling tiningnan ni Jackson ang tablet at patuloy pa rin iyong umiilaw sa tapat ng elevator. "Jackson," tawag pansin sa kanya ni Liam. Mula sa sahig ay pinulot nito ang bracelet na kulay itim at gold. "Kay Heso yan." Jackson gritted his teeth. "Natakasan tayo," hingal na sabi ni Liam. Agad na chineck ni Jackson ang history nang oras ng pagbaba at doon nga ay nakita nyang si Heso ang huling bumaba pero iniwan na nito ang bracelet nito sa elevator. "Hindi sya mabubuhay sa ibaba ng walang bracelet," Liam said. "Unless

