Napaurong ako dahil sa pag-aalalang baka kinuha ito ng kung sino o baka may naalarma dahil sa pagtatangka kong kunin ang isa sa mga Shell kanina. Tuloy tuloy ako sa pag-urong at akmang tatakbo ng bigla akong nauntog sa isang tube. Halos maduling ako sa sobrang sakit at agad akong napaupo sa sahig dahil sa lakas ng impact. Napahawak ako sa noo ko at sinubukang i-steady ang sarili ko para makatayo.
Doon ko narealize ang nangyari.
"Nauntog ako" bulong ko
Nanlaki ang mata ko dahil sa napagtanto ko.
"Nauntog ako!" ulit ko at nagsimula akong matawa dahil sa sobrang saya.
"Nauntog ako! Ah! Nauntog ako, Hahahaha!" sigaw ko
Hinawakan ko pa ulit ang noo ko at nagsimulang magpaikot ikot at napatigil ako dahil sa pagkahilo.
Tiningnan ko ang Glass tube na pinakauntugan ko at doon ay nakita ko ang repleksyon ko.
Dahan dahan kong iniangat ang kamay ko at hinawakan ang repleksyon na nakikita ko sa salamin ng tube.
Yung babae. Ako na. Nakuha ko ang Shell. Nakuha ko!
Despite being so happy about it, bigla pa rin akong nakaramdam ng lungkot.
"Hindi naman ako ito. Hindi ang Shell na ito si Alitalia. Hiniram ko lang ito" sabi ko habang patuloy na nakatitig sa salamin.
"Pangako, pagkatapos ng lahat, ibabalik kita dito para makuha ka ng karapat dapat na Umbra mo" sabi ko at ngumiti. Ilang segundo pa akong nakatitig habang ngumingiti sa salamin at pinagmasdan kong maigi ang mukha ng Shell na nakuha ko.
"Ano kayang tunay na pangalan mo?" tanong ko
Akmang aalis na ako ng makarinig ako ng tunog na nanggagaling sa labas ng pinto.
Sigurado ako sa tunog na iyon.
Tunog iyon ng Vault. Kapag binubuksan.
"s**t" napamura ako sa sobrang takot.
Sinubukan kong bumalik sa kama kung saan dating nakahimlay ang Shell pero may force field na do'n at nirereject na ako kahit ipatong ko lang ang daliri ko sa salamin.
Anong gagawin ko?
Mangiyak-ngiyak ako ng lumakas ang tunog ng pagpihit ng Vault. Naging bigla ang pagbukas ng malaki at makapal na bakal na pinto kaya sa sobrang gulat ko, napahiga ako sa sahig at pumikit.
Halos mapangiwi ako sa sakit dahil alangan ang pagkakapwesto ng binti ko at naipit ito ng isa ko pang binti na nakapaton dito. Unti-unti itong namanhid pero pinilit kong hindi gumalaw lalo na't naririnig ko na ang papalapit na yabag na sa tantya ko ay sa isang lalaki dahil sa bigat ng yapak.
Kung hindi lang sa sitwasyon, baka nagtatalon ako sa tuwa dahil sa nararamdaman ko. Or maybe just for a mere fact na nakakaramdaman na ako ng mga pisikal na sakit gaya nito. Nakakaramdam ako, ibig sabihin, buhay na ako. Pero hindi ko magawang magdiwang sa mga First ko bilang isang Umbra na may bagong shell dahil sa mga asungot na dumating. At pag naghuli ako, siguradong dadalhin ako sa rsearch facility o kaya naman sa korte para kwestyunin dahil wala naman akong kamag-anak na humingi ng rquest para sa Shell Binding.
"Clarkson!" Sigaw nito.
Pamliyar sa akin ang boses na iyon, pero hindi ko maalala kung saan ko narinig.
"Clarkson may nakalabas na Shell!" sigaw ulit nito.
Agad akong nakarinig ng isa pang papalapit na yabag at tumigil ito sa mismong paanan ko.
"s**t! Anong gagawin natin?" kinakabahan nitong tanong.
"Tumawag ka ng back-up. Baka may nakapasok dito! Bilisan mo!" sigaw ng pamilyar na boses.
Nang makaalis ang isang yabag na sa palagay ko ay kay Clarkson, unti unti kong iminulat ang kanan kong mata at sinilip kung sino ang pamilyar na boses na narinig ko.
Agad kong nakita ang uniform ng Hunter at nakita ko rin ang pamilyar na style ng buhok. Pinilit kong alalahanin kung sino ito pero nanatiling letter L lang ang natatandaan ko at wala ng iba.
Lina? Lian?
Isa ito sa mga Hunter na may hawak ng kaso nina Tia At Yal pero hindi ko maalala ang pangalan nito.
Nang makita kong hindi ito nakatingin ay dahan dahan kong iniunat ang namamanhid ko ng binti at halos makahiga ako ng maluwag ng maradaman kong nawawala na ang pangingimay nito. Agad kong ipinikit ang mata ko ng makitang babaling ang ulo nito at muling nagpanggap na walang malay.
Pero ang pinaka nakakainis na bagay ang nangyari sa akin. Nagsimulang mag-taas baba ang dibdib ko dahil hinihingal ako sa sobrang kaba at alam kong hindi ito tanga para hindi iyon mapansin.
Sana may dumating. Sana matakid sya. Sana makalimutan nya ang pangalan nya!
Halos lahat na ng klase ng distraction ay hiniling kong manyari pero tila naupos na kandila ang pag-asa ko ng lumapit sya sa akin at nagsalita
"Isa sa mga problema ng mga Umbra na may bagong shell? Nakakalimutan nilang kailangang huminga ng Shell para mabuhay"
Shit.
Unti unti kong iminulat ang mata ko. Agad bumungad sa mata ko ang isang Hunter na naka kulay itim na t shirt at jacket at naka midnight blue na cargo pants. Sa kanan ng pantalon nya ay may nakasukbit na b***l sa Holster.
Ngayong nakita ko na ang mukha nya, naalala ko na ang pangalan nya. Liam.
"Hehe" alanganin kong tawa habang dahan dahang tumayo
Hindi sya gumagalaw sa kinatatayuan nya at pinanonood nya lang ako.
"Anong pangalan mo?" tanong nya
"Ali!" pasigaw kong sabi.
Bahagya pa akong nagulat dahil do'n. Nanlalamig na kasi ang mga kamay ko sa sobrang kaba..
Isa lang ang naiisip kong gawin.
Kailangan kong tumakbo. Tumakbo ng mabilis na mabilis!
Nang makaayos na ako ng tayo ay agad kong inihakbang ang paa ko para tumakbo pero agad akong nakarinig ng mga yabag sa labas ng bukas na pinto ng Vault.
"Ali. " I turn around
Liam is holding his Hunter Badge in front of my face.
He extended his hands to me.
"May alam akong daan sa likod"
Huh?!