Chapter 2

1693 Words
INIKO KHARIQUE ROSS __ Umiikot na ang paningin ko nang makauwi ako ng bahay. Hindi ko alam kung anong eksaktong oras pero sigurado akong lagpas hating gabi na. Hindi ko na kinailangang buksan ang pinto dahil kusa na iyong bumukas at sinalubong ako ni Mariela Rose Lopez, my wife. Sinapo agad nito ang braso at baywang ko na para bang kaya niya ang bigat ko. "You're drunk again, Leigh..." "Who said I'm drunk?" Pinalupot nito ang braso ko sa balikat niya at nagpatuloy pa rin sa pag-alalay sa akin sa pagpasok sa loob ng bahay. Halos bumagsak kaming dalawa pero naiakyat niya pa rin ako sa hagdan at halos bumagsak kaming dalawa sa ibabaw ng kama. My whole body hurts. That woman earlier did an amazing job. "Kukuha lang ako ng tubig at ng bimpo. Don't move," narinig kong sambit nito. Nagdodoble pa rin ang paningin ko habang nakatingin ako sa ceiling. Ilang sandali lang ay naramdaman ko nang umupo ito sa tabi ko at marahang nagdampi ng basang bimpo sa pisngi ko. "Leigh... please don't drive when you're drunk." "I said I'm not drunk," malamig na sambit ko. Hindi na ito sumagot pa. Bumaba ang dala nitong bimpo sa leeg ko ngunit naramdaman kong tumigil din ito. "L-Leigh... saan ka ba n-nagpunta?" "I worked. I'm running my own club, right?" "D-did you meet a woman?" Humugot ako ng malalim na hininga. I just wanted to rest but she kept on asking. Pinilit ko ang sarili kong tumingin nang diretso sa kaniya. "Pinagbibintangan mo na naman ba ako?" "Y-you have hickeys... I'm just ask–" Marahas kong tinabig ang kamay niyang nakadampi pa rin sa leeg ko. "Even if I do, so what?" I asked irritatedly. "If you're not too boring, I wouldn't look for someone else." Pinilit kong bumangon at siya na mismo ang hinawi ko. "Tabi." Kahit pasuray-suray pa ay nakarating din ako sa bathroom. Sinindi ko ang shower at hinayaan kong basain ako ng tubig kasama ang saplot ko. She never failed to annoy me. Hindi ko alam kung gaano ako katagal roon. Lumabas lang ako nang mawala kahit papaano ang pagkahilo ko. Nakahiga na ito sa ibabaw ng kama at nakatalikod sa direksyon ko. Dumiretso ako sa closet ko at nagpalit ng damit. Tumabi rin ako sa kaniya sa ibabaw ng kama at tumalikod sa direksyon niya. I didn't want to deal with her drama. I was so tired of it. Naipikit ko na ang mga mata ko nang maramdaman kong gumalaw ito at pumalupot ang braso nito sa tiyan ko. I felt her breath on my shoulder. "I'm sorry..." Hindi ko na ito pinansin pa. Nakasikat na ang araw sa labas nang magising ako. Hindi ko ito nakita sa tabi ko, and I didn't give a damn. Naghanda ako para umalis ng bahay. Nakarinig ako ng kaluskos sa kusina like usual. Tiningnan ko ito sa sink na naghuhuhas ng mga pinggan. She was wearing a long skirt again and a plain shirt. She was in the city, and we were already living in a modern world pero tila hindi pa rin siya nakaka-adapt. Wala na akong nakikitang nakasaya bukod sa kaniya. It was so irritating to look at her. Bumaling ito sa akin at ngumiti. "Leigh..." Tinigil niya ang ginagawa at pinunasan ang kamay. Humila siya ng silya para sa akin pagkatapos ay binuksan ang mga takip ng pagkain sa mesa. Pati ang pagkuha ng tubig at paglagay ng pagkain sa pinggan ko ay ito ang gumawa. Ilang sandali bago ito umupo sa gilid ko. Binaba niya ang isang mug sa tabi ng pinggan ko. "Ginawan kita ng chamomile tea... that might make you feel better." I could smell sweet apple scent from it. I wasn't into that kind of drinks. Kung alak ang dinala nito sa harapan ko, baka hindi pa ako magdalawang isip. Naging tahimik ang buong kusina bukod sa kubyertos na ginagalaw ko sa pinggan. Ilang sandali pa, naramdaman ko ang palad nito sa braso ko. Marahan niya iyong hinaplos at sinundan ko naman ng tingin ang kamay niya roon. Binigay ko ang atensyon ko sa kaniya. Malamlam ang mga mata nito at tila ba matamlay. Umangat ang kamay nito hanggang sa pisngi ko na ang haplusin niya. She looked at me like she was miserable, but she wouldn't hide that certain emotion from her eyes. "I love you..." she whispered while caressing my cheek with her thumb. I heard the sincerity, but I also heard the heaviness in that voice. Hinayaan ko lang siya kahit hindi ko gusto ang mga ganoong pagkakataon. She leaned closer to me para dampian nang marahang halik ang mga labi ko. She did it twice bago tuluyang humiwalay. I knew she was madly in love with me. I intentionally made her fall in love. That was my mission. I didn't even sweat. It was too easy. Bago pa siya makalayo, kinuha ko ang braso niya at hinila siya patayo. I pinned her at the sink and began to nibble the back of her ear. She could sometimes turn me on lalo na kung wala na akong ibang pagpipilian. Nanatili itong nakatalikod sa akin. Hindi ko siya hinayaang makawala. Bumaba pa ang halik ko sa balikat niya at nagsisimulang gumapang ang palad ko sa loong ng blusa niya. Ayoko nang patagalin pa iyon. Inangat ko ang suot niyang palda and was about to pull down her underwear, but she held my hand. "Leigh..." "What?" I asked still kissing her neck. "I... I have my p-period." Napatigil ako. That just instantly killed the fire inside me. Binitiwan ko siya. "You've always been useless," malamig na sambit. Lumabas na ako ng kusina. Nawalan na rin ako ng gana sa pagkain. "Leigh..." narinig ko pang tawag nito sa akin, but I didn't mind her. Nakasakay na ako sa sasakyan ko at handa nang lumabas ng garage nang kumatok ito sa bintana. I again cursed out of irritation. I really hated her. Binaba ko ang bintana at binigyan ito nang matalim na tingin "What?" "A-anong oras ka uuwi? I will cook-"–" "Huwag mo na akong hintayin. Marami akong kailangang gawin." Sinara ko na rin ang bintana at inatras ang sasakyan. Nagtungo ako sa casino na madalas kong puntahan sa umaga. Nilapitan agad ako ng dalawang babae at tumabi sa akin sa silya. Naglaro ako ng poker kalaban ang ilan sa mga batikan doon. I could win by cheating. I was good at it. Tila lumilipad ang oras sa tuwing nasa sugalan ako. Sinalubong ako ni Noah nang dumating ako sa club. Mukhang nag-alala ito. "Mr. Chavez..." "What's wrong?" "P-pinasok ho tayo ng mga tauhan ni Eloy. W-wala po silang nakuha pero ginulo ho nila itong club." Hindi ako sumagot. Dumiretso ako papasok sa loob. Wala ang mga customer roon at magulo ang mga mesa at upuan. May mga basag din na alak sa sahig. That asshole was really testing my patience. Dumiretso ako sa opisina ako. Sandali akong napatigil nang makita kong may taong nakaupo sa couch habang marahang uminom ng alak. Magulo rin ang lahat doon na halatang naghalungkat ang mga tao ni Eloy. Naupo ako sa couch sa tapat nito at nagsalin din ng alak sa baso. "Someone loves to challenge me," malamig na sambit ko. "Bakit hindi mo na lang bayaran?" tanong sa akin ni Rhett. He was a friend. Nakilala ko sa isang party ilang buwan na ang nakakalipas. "Kiran Leigh Chavez doesn't pay. Sa akin sila magbabayad." "Sometimes pride can lead us to death." Umismid ako. "No one can kill me. Matagal mamatay ang masamang damo. Were you waiting for me?" Muli itong sumimsim sa alak niya habang prente pa ring nakadekwatro sa couch. "I just wanna ask if Ms. Lopez still paints." Nakaramdam na naman ako ng pag-iinit sa ulo ko. I also hated hearing her name. "Araw-araw siyang nasa working area niya." "Alam mo ba kung kailan niya planong ilabas ulit sa public for auction ang mga painting niya?" "I don't care. I never asked." "Why not? If I was the husband of Mariela Rose Lopez, I'd be so proud. She's an award-winning artist and even her small paintings can cost millions." "She has that value because her father is a known artist. I don't even see her paintings as extraordinary. She's not that good." "Maybe you just don't appreciate it or you are not just really interested in art. I see her paintings as a story. It can be interpreted in different ways, but what makes people invested in her works is that she never tells the story behind all her works. You have to see yourself through it." I gasped. Uminom ako ng alak. Kung iyon lang ang pag-uusapan, I wouldn't be interested at all. "I hate that nerd." "Then why not leave her?" Napatigil ako sa pag-inom ng alak at binigay sa kaniya ang buong atensyon ko. "Don't ask me like you don't know yet." "Well, I think she's pretty. Just like her art, you can't just appreciate her." Muli akong umismid. "A lot of women look better than her with the same talent. She has the money, but she has poor taste when it comes to fashion. She's an artist, but she's too plain. She can't even have a decent color combination when it comes to choosing her outfit. No man would even be proud to flaunt her." Muli akong tumikim ng alak ngunit nagpatuloy din. "Not to mention my s*x life with her, all of it is too boring. She never learned. She has been acting innocent." "I'm sure there are men who find her attractive." I laughed sarcastically. "Walang magkakagusto sa kaniya. She can't even carry a conversation. She's like a robot. A f*****g robot." "Well, I still think you are lucky. Ms. Lopez has been so patient with you. She knows you are cheating, and she knows all the stupid things you are doing, but still chooses to forgive you over and over. These days, it's hard to find a woman who can love you unconditionally despite your flaws." Muli akong sumimsim ng alak. "I don't find myself lucky. My life is miserable with her. f*****g miserable."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD