TRIXIAN JADE
"Ma, are you still not yet done?! We're gonna be late!" Rinig kong sigaw ni Vinen mula sa labas ng kwarto namin habang kumakatok pa. I smiled in the thought of him, frowning at this moment. I bet he looks so cute, as usual.
Agad ko ng kinuha ang bag kong nakapatong sa kama namin at lumakad papunta sa pinto para buksan ito. Mahirap na. Baka mag-alburuto pa ang cute na gwapo kong anak. "Chill, my son. Ito na oh, tapos na." I said while chuckling. Sumalubong kasi sa akin ang nakasimangot kong anak habang nakakunot ang noo.
"What took you so long, ma?" Bagot na bagot na tanong nya sa akin. Ngumiti ako sa kanya ng nalapad bago sumagot, "nothing, son. May hinanap pa kasi si mama e. Tara na." Pagkasabi ko non, hinawakan ko na ang kamay nya at iginaya pababa ng hagdanan.
Wala parin hanggang ngayon ang asawa ko. Nung unalis sya kahapon, hindi na sya bumalik pa. Pero bago kami mag-lunch ni Vinen, he called. Ang sabi nya hindi pa raw sya makakauwi kaya 'wag na naming hintayin pa.
Pero parang may mali...
Ramdam kong parang may mali. The way he talked to us yesterday. There's something wrong. Alam ko yun, ramdam ko.
"Ma, are you going to fetch me at school later?" Biglaang tanong ng anak ko na nagpabalik sa akin sa katinuan.
Binalingan ko muna sya bago nginitian, "yes po. Pupunta tayong mall after. Then doon na rin tayo kakain." Ani ko. Nakita ko naman ang bahagyang pagliwanag ng mukha nya.
"Really?" Bakas ang excitement sa boses nya. Tumango ako habang nakangiti bilang sagot.
"Yey! So you can finally buy me a book about Science?" Tuwang-tuwang tanong nya na tinanguhan ko nalang. Noon pa man ay hilig nya na ang Science, lalo na kung tungkol sa mga experiments.
Nang balingan ko naman ang anak ko kita ko ang malapad nyang ngiti habang nakayakap sa akin.
"We better go now. As like what you've said, we're gonna be late." Natatawang paalala ko kay Vinen kaya agad naman syang humiwalay sa akin habang may ngiti parin sa kanyang labi.
"Yeah, yeah, I forgot. Let's go, ma." Aniya bago naunang lumakad at sumakay sa passenger seat ng kotseng ko na gagamitin namin. Agad din akong sumakay bago naglagay ng seatbelt.
"Your seat belt, my sweet." I said.
"Already done," he replied.
Pinaandar ko na ang kotse papunta sa school na pinapasukan ng anak ko. Napasok sya sa isang private elementary school. But sad to say pero hindi ako do'n nagtuturo. I'm a grade six teacher. Saka alam ko namang maayos ang kalidad ng aral sa school na yun, matibay rin naman ang mga pasilidad kaya no need to worry.
Nang sulyapan ko ang anak ko habang nagmamaneho. Nakita ko syang nakatingin lang sa labas ng bintana habang walang kung ano mang emosyon ang nakapaskil sa kanyang gwapong mukha. Hindi na ako magtataka kung magkakandarapa ang mga babae sa kanya kapag lumaki na sya.
At nang makita kong kununot ang noo nya, nilihis ko na ang tingin ko dahil alam kong ramdam na nya ang pagtitig ko.
Nagpatuloy lang ako sa pagmamaneho hanggang sa makarating kami sa school ni Vinen. Itinigil ko ang sasakyan ko sa harap ng gate ng school ni Vinen, bago naunang bumaba para pagbuksan sya ng pinto.
Inalalayan ko syang makababa bago ko inayos ang polo nyang magusot mula sa pagbaba.
"Take care, son. Be good." Paalala ko sa kanya habang inaayos ang buhok nya.
"I will," tugon nya.
"Good. Now, give me my kisses and hug." Sabi ko bago nag-bend ng kaunti para maabot nya ako. Agad nya naman akong hinalikan sa magkabila kong pisnge bago ako niyakap.
"Have a great day, my son." Ani ko habang yakap-yakap pa rin ako ng anak ko.
"Take care too, ma. Have a super great day and don't stress yourself too much with your students." Aniya nang humiwalay sya sa yakap. Napangiti naman ako sa ka-sweet-an ng anak ko.
"I won't, don't worry. Now, go, you're gonna be late." Saad ko.
Nagsimula na syang lumakad papasok at bago pa sya nakapasok, tumigil muna sya kaya napakunot ang noo ko. May nakalimutan ba to?
Lumingon sya bago nagsalita, "take care, ma. See you. Love you!" Sigaw nya at bago sya magpatuloy sa paglalakad, nagbigay pa sya ng flying kiss kaya umakto akong sinalo ito.
I mouthed 'I love you more, son'. Napangiti nalang ako nang tuluyan na syang naglaho sa paningin ko kaya bumalik nalang ako sa kotse saka ito pinaandar papunta sa school kung saan ako nagtuturo.
My son is so sweet.
Nang makarating ako sa school, sinalubong ako ng mga bati ng mga estudyante, guards, janitors at mga kapwa ko guro.
"Good morning, ma'am Trixian!" Bati ng mga estudyante ko nang makapasok ako sa classroom. Ngumiti ako nang malapad bago ko sila binati pabalik.
"At dahil ESP naman ang first period natin. I want you to get your intermediate pad at sumulat kayo ng mga bagay na nagpapasaya sa inyo at ilagay nyo ang dahilan nyo kung bakit at paano kayo napapasaya ng mga napili. Dito ko sisimulan ang panibagong lesson sa linggong ito." Mahabang paliwanag ko. Hindi ko na inulit pa dahil alam ko na namang maiintindihan na nila yon ng isang paliwanagan.
"Take care, Hydro!" Rinig kong sabi ng isang batang babae habang kumakaway sa anak kong naglalakad papalapit sa akin.
"Same to you, Shienarah! See you tomorrow!" Sigaw pabalik ni Vinen. Kitang-kita ko naman ang nakapaskil na ngiti sa kanyang labi habang kumakaway pabalik. Napangisi naman ako nang may pumasok na kapilyahan sa utak ko. This girl must be special, hmm.
"Who's that pretty girl, my son? And it seems that you two are so close to each other, huh." Pambungad na sabi ko sa anak ko na kasalukuyang humahalik sa mga pisnge ko. May bakas din ng panunudyo sa boses ko at alam kong ramdam ng anak ko ang panunudyo ko sa kanya.
"She's my classmate." Nakayuko nyang sabi, kaya napatawa ako nang mahina.
"Oh, bakit ka nakayuko? Kala ko ba classmate mo yun, e bakit parang nahihiya ka dyan?" Patuloy na panunudyo ko sa kanya habang natatawa.
Nang i-angat nya ang ulo nya, nakita ko ang namumula nyang mukha kaya hindi ko na napigilang tuluyang tumawa.
He's so cute. My son is so cute!
"Stop teasing me, ma. I know what you're thinking." Tila isang nahihiyang pusang sabi nya.
"Am I teasing you?" Pa-inosente kong tanong.
"Yes!" Sagot nya bago walang sabi-sabing pumasok sa loob ng sasakyan kaya hindi maiwasang tumawa ng mahina.
Alam kong espesyal ang batang babae na yon dahil kila ko si Vinen. Noon pa man ay ayaw na ayaw nyang tinatawag syang 'Hydro' dahil nalapit na raw sa Hydrogen. Well, malayo-layo pa naman dahil Hydroxide naman ang totoo, hindi Hydrogen. Sabi nya pa nga dati, 'call me any name you want to, but do not ever call me Hydroxide.'
My son's whole name is Vineinfixydelusmirr Jitridius Hydroxide Reid, Vinen for short. Yes, I know mahaba. Pero believes it or not, hindi ko na rin matandaan kung bakit ayan ang ipinangalan ko sa anak ko.
You're an interesting, cute little girl.
Sumakay na lang din ako sa sasakyan. Nakita ko naman ang seryoso kong anak habang sinasalubong ang mata ko.
"What took you so long, ma?" Inip nyang tanong habang nakakunot ang noo, kaya napatawa na naman ako.
"Ma, you're always laughing, what's the matter?" He asked.
Ngumiti ako bago sumagot, "wala naman, 'nak." Hindi ko naman siguro kasalanan na napaka-cute ng anak ko kaya ako natatawa.
"What's the name if that pretty girl?" Tanong ko sa anak ko at nakita ko na naman ang pamumula ng kanyang mukha kaya pinigilan ko ang sarili Kong natawa sa itsura nya ngayon.
"What? I'm just asking her name?" Tanong ko ulit nang hindi sumagot si Vinen
"S-Shie-Shienarah. Shienarah Tolentino." Sagot nya kaya napangiti na naman ako. Shienarah, hmm.
"Hmm. She has a beautiful name like her." Papuri ko.
"Yeah," pagsang-ayon nya. Ngumiti nalang ako bago ko in-start ang kotse.
Namayani ang katahimikan sa loob ng sasakyan nang basagin ko ito. "Can you tell me something about her?" Tanong ko bago ako sumulyap sa kanya. At nakita ko naman ang pagkagulat nya dahil sa tanong ko.
"O-Okay. Amm..." Pagpayag nya. "... She's kind... Approachable... Friendly... Sweet... An Angel and... Amm..." Mas lumawak ang ngiti ko nang makita ko ang mamumula nyang mukha.
"And?" Makhang nahihiya sya sa sunod nyang sasabihin kaya baka kailangan ko na syang i-push para sabihin sa akin yun.
"And... So lovely." Mahina nyang sabi kaya nang tingnan ko sya mula sa salamin, kitang kita ko ang mas mapula nyang mukha. At kitang kita ko rin na hiyang-hiya sya.
"Hmm... Alright." Sabi ko habang natango-tango pa. Confirm. Espesyal nga ang batang babae na yun.
Kilala ko ang anak ko. Sya yung tipo ng tao na hindi basta-basta magbibigay puri sa isang tao. Hindi nya ugaling mamuri. Wala syang paki-alam kung gaano ka pa kaganda o kagwapo. At alam kong sa oras na puriin ka na nya at makita na nya ang kagandahang meron ka– labas man o loob– isa lang ibig sabihin non. Espesyal ka.
"Hey, ma. I know what you're thinking. Stop it." Naputol ang kung anong iniisip ko dahil sa sinabi ni Vinen. I chuckled nang napansin kong mas lalo syang namula kaysa kanina.
Vineinfixydelusmirr Jitridius Hydroxide, my son, is so cute!