♥ FIFTEEN ♥ IRENE Naupo ako sa single seater sofang katapat niya at pinasadahan siyang tingin. Halatang nakainom siya. Naaamoy ko ang alak sa hininga niya. Isa pa, mapungay na ang halatang pagod niyang mga mata. Umayos siya ng upo saka niya pinatong sa magkabila niyang tuhod ang kanyang mga siko. "Paprangkahin kita. I hate commitments. I f**k but I never get into relationshits." Seryoso niyang sabi. Tumaas ang isang kilay ko. "Relationships you mean?" Hinaplos niya ang beard niya saka siya bumuntong hininga. "Whatever." Bumaba ang tingin niya sa tiyan ko. "But I'm not that heartless to let a child grow up without a dad." "Like I said, Baron, kaya ko--" "Hush!" He cut me off. Halatang ikinainis niya ang sinabi ko. Umigting ang kanyang panga at naningkit ang mga mata niya sa akin. "

