♥ TEN ♥ IRENE Sinimangutan ko siya't binato ng pop corn pero lalo lang siyang tumawa. Sinasabi ko na hindi mapagkakatiwalaan ang taong 'to. Marifer was right about guys with beard. They are creepy. Katulad na lang ng isang 'to. I cracked a joke a while ago but he just gave me a poker face like what I said was something nonsense pero ngayong umiiyak ako saka siya hahagalpak ng tawa. He's crazy. Bipolar. Pang-mental. Pinalis ko ang mga luha ko saka ako bumaling sa labas ng sasakyan. "Gusto ko nang umuwi. Kailangan kong magpahinga." Unti-unting humina ang pagtawa niya hanggang sa tuluyan itong huminto. He cleared his throat. "And why?" "Because I'm not feeling well. Baka makasama rin sa condition ko ang paglabas-labas." Tugon ko ng hindi pa rin siya tinitignan ngunit naramdaman ko ang

