Dual "Mommy, are we going in now?" Hindi ko alam kung pang-ilang tanong na 'yan ni Lyrae dahil kanina pa niya ako kinukulit sa kakatanong kung magb-board na daw ba kami magmula nang makarating kami dito sa airport. She's just so excited about going to Manila. Ayaw na sana namin siyang isama ni Brendt pero alam kong sobrang matatagalan kami bago makabalik ng Davao at hindi rin mapapanatag ang loob ko kung iiwan namin si Lyrae sa mga yaya niya. "Just wait a little bit more, Rae..." kalmado kong sabi at hinatak ang anak ko papunta sa akin. "Just stay still." Kinandong ko siya sa aking hita at panay pa rin ang kanyang galaw. Talagang hindi na niya matago ang excitement niya. "Excited na po ako," she said. "I know that you're too excited pero... tanong lang ni mommy ah." sabi ko naman. "

