Blame "Baby... Lyrae, this will be your new home," nakangiting sabi ni Sean nang nakapasok kami sa loob ng aming bahay. Nilibot ko rin ang tingin ko sa unang palapag ng bahay at tiningala ang ikawalang palapag. Medyo marami ding nagbago sa bahay. Ganoon pa rin ang kulay ng mga dingding at kisame. Nag-iba lang ay ang kulay ng carpet na nagsisilbing lapag ng bahay at pati na rin ang ibang mga kagamitan. "Do you want to look at the garden?" he asked Lyrae. "We also have a swimming pool here. You can swim anytime you want." Ngumuso naman si Lyrae at saka kumapit sa akin. Bahagya pa siyang nagtago sa aking likuran para hindi siya malapitan ni Sean. "Rae, lumapit ka muna sa daddy mo." I tried to persuade her and slightly shook my arm para mapabitaw siya sa akin. Umiling ang anak ko at mas

