Kimchi "Hello?" sagot ko nang tumawag si Brendt sa aking cellphone. He's been bothering me since he left Sarto pagkatapos kong kumain sa may rooftop ng manggang hilaw kasama siya. Ayaw ko kasing magpasundo sa kanya pero pinipilit niya pa rin ako hanggang ngayon. He's really persistent. "Are you sure na ayaw mong magpasundo?" Hindi ko na mabilang kung pang-ilang tanong na niya ito. "I'm doing nothing and the boredom is killing me,” he reasoned. “Gusto kitang sunduin at ihatid sa inyo." "I told you, Brendt. Ilang beses na. Huwag mo na akong sunduin,” pagtanggi ko sa kanya. “I have my own car at kasabay ko si Nikki mamaya pauwi.” He sighed, and I was hoping that he'd finally give up. "Okay..." sabi na lang niya. "But call me if you need anything, okay?" "I will," sabi ko para matigil

