Time "Thank you." Nakipagkamay si Sean sa pilotong magpapatakbo ng private plane na aming sasakyan patungong San Francisco. Wala na siyang inaksayang panahon at agad na inayos ang mga dapat ayusin upang makalipad kami agad patungo doon. It was nice to have a husband like him who owns an airline at times like that. It was very convenient. "Mommy..." tinawag naman ni Lyrae ang aking atensyon. Nilingon ko siya at nakikita ko ang takot sa kanyang mga mata na akin ding nararamdaman. I pulled her closer to me and she hugged me tighter. "Pwede na tayong pumasok sa plane. We will be departing in a few minutes," sabi naman ni Sean nang bumalik siya sa tabi namin ni Lyrae. Tumango naman ako at saka hinawakan ang kamay ni Lyrae. "What about our things, Sean?" hindi ko maiwasang tanungin habang

