Diamond "Mommy..." "Sandra..." Nagsumikap akong mag-angat ng tingin sa pintuan. Nakasilip doon sina Lyrae at Mommy Rose. Agad na tumakbo si Lyrae sa akin nang makitang gising pa ako at saka niya hinawakan ang aking leeg kaya naman napangiti ako. "Hindi naman po mainit... Masakit po head ninyo?" inosenteng tanong niya sa akin na tila inaalam kung ano ang masakit sa akin. Sean probably did tell them na masama ang pakiramdam ko kaya nag-aalala sila ngayon sa akin. "I'm fine now... nandito ka na eh." nakangiting sabi ko at bahagyang bumangon. "How's your day? Anong ginawa niyo ng lolo at lola mo?" "We ate and ate and ate..." she said and giggled. "Binili rin po nila ako ng bagong Barbie tapos mga damit po." "Did you say thank you?" tanong ko naman sa kanya. Masaya siyang tumango. "Sy

