Explanations "Hello?" sagot ko sa tawag ni Brendt nang makalayo na ako kay Sean. Hirap pa ako sa pagsasalita dahil sa parang batong nakabara sa aking lalamunan mula sa pag-uusap namin ni Sean. "Did I wake you up?" he carefully asked. "Your voice sounds different." And of course... mapupuna ni Brendt ang kahit kaunting pagbabago sa aking boses. For the last five years that I've spent with him, hindi malabong alam na ni Brendt at kabisado na niya ang mga ganoong bagay patungkol sa akin. "Uh yeah…” I lied. “I woke up because of your call." "Oh... I'm sorry," he apologized. "I just called because I told you earlier na may pag-uusapan tayong dalawa." "No worries," sabi ko naman. "I forgot about that. Napagod kasi ako ngayon," pagdadahilan ko na lang. "Well, I just want to tell you that

