Self-Proclaimed
I slowly opened my eyes, and the bright white ceiling welcomed me. I wandered my gaze around the white room. There was no doubt that I was in the hospital.
"Manang! Gising na po si Sandra." Dinig kong sabi ni Nikki at mabilis na lumapit sa akin.
It took me a few seconds before my blur vision turned clear. Bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Nikki.
"Okay ka na ba?" she worriedly asked me.
Nagsumikap akong ngumiti to show gratitude for her concern. "Oo. Ayos na ko. Salamat."
Bigla namang lumapit si Manang. "Nako, Sandra, ano bang ginagawa mo sa sarili mo ah?"
"Manang, nako! Ipagluto niyo po si Sandra ng maraming pagkain. For sure naman po ay 'yon ang dahilan," Nikki said and I could sense irritation in her voice.
"Nikki..." sabi kong may halong pagbabanta at pinanglakihan ko pa siya ng mata.
"Oo nga. Wala nga palang kalaman-laman ang tiyan mo ng pumasok ka," pag-alala ni Manang.
Itutukod ko sana ang kamay ko sa kama para makaupo ng maayos nang naramdaman ko ang pagkirot nito. Tinignan ko't nakita kong naka-swero pala ako.
"Ay, Manang! Sandra! Uwi muna ko ah. Kanina pa ako hinahanap-hanap sa amin eh. Sabi ko hihintayin lang kitang gumising tapos uuwi na ako." pagpapaalam ni Nikki.
Tumango naman kami ni Manang.
"Salamat sa pagdala kay Sandra dito ah?" pasasalamat niya kay Sandra.
"Walang anuman po, Manang." Lumingon sa akin si Nikki upang magbilin. "Kain-kain din ah. Pahinga ka ng mabuti."
Napangiti naman ako. "Mag-ingat ka ah. Salamat."
Ngumiti lang ito at kumindat sa akin bago umalis ng kwarto.
Pagkalabas na pagkalabas ni Nikki ay agad kong nilingon si Manang. "Manang, alam po ba ni Sean na nandito ako?"
"Oo, alam niya. Sinabi ko kanina bago ako umalis papunta dito," sabi ni Manang at magsimula nang magbalat ng mansanas.
"D-Dumalaw na po ba siya?" I hopefully asked.
Please, sabihin niyong oo. Kahit silip lang. Please...
Napabuntong hininga naman si Manang bago nagpatuloy sa pagbabalat. "Hindi, hija."
Hindi ka na nadala, Sandra. Kahit ilang beses na akong nasaktan ay hindi ko pa rin mapigilan ang sarili kong umasa.
"May kasama rin siyang babae sa bahay ng sinabi ko sa kanya kaya hindi talaga siguro siya pupunta," dagdag pa ni Manang.
I bit my lower lip. It was like someone's clenching my heart with its fist. Pinipiga na ata ang lahat ng sakit na pwede kong maramdaman. Sana ay maging manhid na ako. I'm so tired of hoping and being hurt.
"Okay po..." sabi ko na lang.
Ibinigay naman sa akin ni Manang ang kanyang nabalatang mansanas bago tumayo.
"Bibili lang ako ng maraming pagkain mo." sabi ni Manang. "Pag dumating ang doctor at sinabi ang dahilan kung bakit ka nawalan ng malay, pakisabi na lang sa akin ang sinabi ah?"
"Hindi pa po ba dumadating ang doctor?" tanong ko.
"Hindi pa. Kinuhanan ka ng dugo kanina,” sabi niya. “Baka mayamaya ay parating na rin ‘yon."
Tumango na lang ako. "Sige po."
Lumabas na siya ng kwarto at tinignan ko ang phone ko sa gilid ng kama. Baka sakaling may text man lang si Sean pero kahit anong gawin kong buklat sa inbox ko ay wala talaga.
Bigla namang bumukas ang pinto makalipas ng ilang sandali kaya nag-angat ako ng tingin. "Manang—"
Napatigil ako nang makita kong si Sean ang pumasok sa kwarto. Hindi pa ako makapaniwala noong una ngunit nang makita siyang papalapit sa akin ay nabuhayan ako agad ng loob. Pwedeng-pwede na akong umuwi kaagad.
A smile escaped from my lips. "Sean..."
"Where's the flashdrive?" bungad niyang tanong sa akin nang makalapit siya. "Yung mga pina-encode ko kanina. Nasaan na? I need to review everything tonight."
My smile instantly vanished. Hindi ko inaasahan na ito lang pala ang sasabihin niya sa akin. Ang akala ko'y dumalaw siya para kamustahin ako.
Sana ay hindi na lang siya pumunta. Sana'y pinabilin niya na lang kay Manang o kahit sa secretary niya.
Pasimple akong tumingala upang pigilan ang pagbagsak ng aking luha. "N-Nandoon sa bulsa ng bag ko."
Hindi na siya umimik at tahimik na kinuha ang flash drive mula sa bag ko nang pumasok ang doktor sa kwarto.
"Husband, Sir?" tanong ng doctor sa kanya.
Tiningnan ko si Sean na hinihintay ang magiging sagot niya.
My heart sank more tragically than Titanic when he answered, "No.”
Nag-iwas na lang ako ng tingin sa kanya at nilingon na lang ang doktor. I tried to stop myself from crying.
"Well, Miss Sarmiento." Lumipat ang tingin ng doktor sa akin saka lumapit. "Nahimatay ka ay dahil walang kalaman-laman ang tiyan mo at nang dahil sa puyat. You should try to rest for a day. Madalas ka bang magpuyat at palaging nalilipasan ng gutom?"
Umiling ako. "Hindi po. Uhm... Kahapon lang po at ngayon."
Tumango-tango naman siya. May kung anong sinulat din sa hawak-hawak niyang pad holder.
"We also checked your blood pressure. You have a low blood pressure—hypotension," he informed me. "Just rest. That's all you need and eat lots of food with protein as much as possible."
I nodded as I kept in my mind everything that he was saying. I need to remember and do all of his reminders.
"You can be discharge now pero kung gusto mo pang magstay, pwede rin naman para mas makapagpahinga ka," he suggested.
"I'll think about it po, Doc.” I smiled at him. “Thank you very much."
"You're welcome." Ngumiti siya sa akin pabalik at nilingon si Sean. "Excuse me, Sir, since you're already here... Pakipainom naman po ito sa kanya ngayon. Thank you."
Nang makalabas na ang doctor ay wala nang nagawa si Sean kung hindi ang sundin ang sinabi ng doctor. Lumapit naman siya sa akin at binigay sa akin ang gamot saka pinagsalin ako ng tubig sa baso. Inabot niya rin sa akin ang baso bago ako tinalikuran at tahimik na dumiretso patungo sa pintuan upang makalabas na.
"Sean..." tawag ko sa kanya bago pa siya makalabas.
I just want to thank him kahit na sa simpleng ginawa niya para sa akin ngayon. It's enough to complete my day.
Bago pa ako makapagpasalamat ay inunahan niya na ako sa pagsasalita nang hindi humaharap sa akin.
"You don't have to thank me. I just have to do it. I have no choice. And besides, alam kong isa ako sa dahilan kung bakit ka nandito ngayon. I'm just cleaning my guilt," dire-diretso niyang sabi. "I'll go now."
Pagkalabas na pagkalabas niya ng kwarto ay napabuga na lang ako ng malalim na hininga. Come on, Sandra. You can't let those words affect you. Wala pa nga 'yan sa mga naranasan mo noon.
"Hija, oh kumain ka na muna. Binili ko mga paborito mo.” Dumating na si Manang na may dalang tatlong plastic na puno ng pagkain. “Buti na lang at my malapit na grocery at fast food chains dito."
"Uhm, Manang, sa bahay na lang po ako kakain,” sabi ko sa kanya. “Labas na po tayo dito."
Napatingin naman ito sa akin nang naibaba ang mga plastik na dala. "Pero hindi ka pa magaling, Sandra. Kailangan mo pang magpahinga."
"Dumating na po dito ang doktor at pwede na daw po akong ma-discharge. Saka pwede naman pong sa bahay na lang ako kumain at matulog."
"Pero Sandra..."
"Manang, ayos na po talaga ako," pilit ko. "Uwi na po tayo. Ayoko po dito. Kaya ko naman na po."
Napabuntong hininga siya sa aking kakulitan. "Oh sige na nga. Uuwi na tayo."
Ngumiti ako at agad na naming inasikaso ang paglabas ko. Binayaran ko na rin ang hospital bill ko. Hindi naman ganong kalaki dahil wala pa akong limang oras na naka-confine.
"Akyat po muna ako," nakangiting paalam ko kay Manang nang makarating kami sa bahay. "Magpapalit lang po ako."
Tumango siya. "Sige pero bilisan mo at nang makakain ka na."
"Opo. Sandali lang po ako," sabi ko at umakyat na sa taas.
Walang pakundangan ko namang binuksan ang pinto at pakiramdam ko'y kailangan ko na naman dalhin sa hospital nang dahil sa nakita ko. Naubusan ata ako ng dugo sa katawan.
"f**k!" sigaw ng babaeng sinisiping ng asawa ko nang makita ako.
Tinakpan niya ang katawan niya gamit ang comforter namin. Unti-unting lumingon si Sean sa akin. Anger was very evident in his eyes. He was furious.
"Get out," mariin niyang sabi at mukhang nagtitimpi.
"S-Sorry, Sean—"
"I said get out!"
I did what he asked me to do. Lumabas ako ng kwarto at pabagsak na isinarado ang pintuan upang masiguradong sarang-sara iyon.
Napaupo na lang ako sa staircase. Hindi ko malaman ang gagawin ko sa nakita ko. Napahilamos ako sa aking mukha at napayuko. Naiiyak ako ngunit wala na akong luhang mailabas.
"Sandra!" sigaw naman ni Manang nang makita ako. "Ano iyong kumalabog? Nasaktan ka ba?" nag-aalala niyang tanong sa akin.
Nag-angat naman ako nang tingin kay Manang. Nang makita ko ang nag-aalala niyang tingin ay namuo na ang luha sa mga mata ko. Bakit ganoon? Kapag may nagco-comfort sa'yo ay mas doon ka pa lalong sasabog.
"Manang, ayoko na po..." I cried.
All this time that we're married, ngayon ko lang ata nasabi ang mga iyon. Maybe because I'm already done with being so weak. It's time for me to be stronger para ipaglaban ang karapatan ko bilang asawa niya.
Niyakap naman ako ni Manang kasabay nang paghagod niya sa likod ko. "Lilipas din 'yan..." Tumingin siya sa akin. "Huwag mo munang isipin ang asawa mo. Isipin mo muna ang sarili mo. Kumain ka muna."
Wala na akong laban para makipagmatigasan pa at sinunod ko na lang ang gusto ni Manang na mangyari.
I need to eat. Hindi ako pwedeng ma-ospital ulit dahil baka makarating na ito kay Daddy and that's the last thing I want to happen.
"Gusto mo ba'y sa kwarto ko na muna ikaw matulog?" tanong ni Manang sa akin nang nagsimula na akong kumain.
Umiling naman ako. "Huwag na po. Sa guest room na lang po siguro ako."
"Sigurado ka ba? Baka gusto mo nang makakasama ngayong gabi," paninigurado ni Manang.
Tumango ako. "Ayos na po ako doon, Manang."
I need to be more independent now. I should learn how to stand on my own feet.
"Oh sige. Kung 'yan ang gusto mo," pagpayag niya sa aking nais mangyari.
I was turning off the television after I watched a comedy movie to lighten my mood when I heard chuckles and giggles from the staircase.
Napalingon naman ako roon at nakita ko ang babaeng naka-angkla kay Sean.
Her stare darted at me and smirked. "So, here's the intruder." She even raised her eyebrows at me.
I bit my lower lip and clenched my fists. I didn't know if I should fight with class and grace or if I should use my fist and punch her on the face.
"Oh... Look at her, clenching her fist." She laughed, mocking at me. "What are you going to do, huh?"
Pwede bang kalimutan ko muna ang class at grace dahil gustong-gusto ko nang sapakin ang mukha niyang dinaig pa ang isang coloring book?
"Rain, you should go," Sean told her to leave.
Nilingon naman siya ng babae bago muling binalik ang tingin sa akin. "Well, ayokong nabibitin ako..." sabi niya. "Pero nang dahil sa kanya, I almost didn't get to reach my peak."
Sean bit his lower lip and slightly closed his eyes. "But you did. I'm asking you to leave now, Rain. I still have many things left to do," pagtaboy sa kanya ni Sean at tinanggal niya ang pagkaka-angkla ng babae sa kanyang braso.
Humalukipkip naman ito. "No, no, no," paulit-ulit niyang sabi. "I should teach this girl a lesson for interrupting us earlier."
She was about to walk towards me when I opened my mouth to speak. It's my turn now.
"Interrupting? Intruder?" I sarcastically said and grinned at her that made her stop from walking to get near me. "I should be the one who's telling you those things, Miss."
Halatang nagulat ang babae sa ginawang pagsagot ko sa kanya. I won't give her more satisfaction. She f****d my husband earlier at pagkatapos ngayon ay ibababa niya naman ako? I won't let that happened.
I am Cassandra Phiel Talavera-Sarmiento, the heiress of Talavera Corporations and wife of Sean Jacob Sarmiento, Chief Executive Officer of Sarto Corporations.
"Before you speak, better think," I reminded her. "Baka mamaya, ikaw pala ang intruder dito. Hindi mo ba 'yon naiisip?"
"You're just a maid at wala kang pakialam kung gusto kong pumasok sa loob ng bahay ng boyfriend ko. You're just a stupid b***h maid na nangingialam sa buhay ng amo niya!" nanggigigil niyang sabi sa akin.
"Boyfriend?" I almost laughed. "Do you think he thinks of you as his girlfriend or lover? Hanggang ngayong gabi ka lang."
Her jaw literally dropped. Mas lalo akong napangisi. One point for Sandra!
"At ano kamo ako?” I raised my eyebrows and took a step forward. “Maid?"
I was taller than her by an inch or two, which made it possible to literally look down on her.
"Hindi pa nga pala ako nagpapakilala..." Inilahad ko ang aking kamay sa kanya. "I'm Cassandra Talavera-Sarmiento, asawa ng self-proclaimed boyfriend mo."