MIGUEL
Time flies so fast.
Ilan buwan din ang lumipas bago tuluyan nanumbalik ang memorya ni Care. Kung hindi man bumalik ng tuluyan ang mga nakaraan nito, paulit-ulit ko itong ipapa-alala sa kaniya. Pero salamay sa Panginoon, hindi lang tuluyang gumaling ang mga natamo nitong bali at sugat sa aksidente kundi tuluyan nang nakarecover sa amnesia nito.
I cannot imagine my life without her in my life. And as we go to another phase of our story, I cannot help but be thankful that today, I am marrying my bestfriend.
Now, standing here at the altar waiting for the love of my life as she walks towards me, my heart is swelling. I am a man known for my tenacity in business but now my heart is swelling with so much emotions for the woman who owns it.
Maricar. My dear Care. And the baby that she's carrying, our baby.
The day when I thought I lost her was the most devastating day of my life. I thought yje pain I felt when we separated years back was the worst as I lived with emptiness. But that moment in the crash, I felt my world stop.
Napayuko si Miguel nang maramdaman ang pagtulo ng mga luha. Naramdaman niya ang bahagyang pagyugyog ng mga balikat dahil sa matinding emosyon.
Nang makabawi at pinunasan ang kaniyang mga luha ay muling ibinalik ni Miguel ang tingin sa aisle ng simbahan. Nagtagpo ang mga mata nila ng kaniyang ina na ngayon rin ay luhaan na nakatingin sa kaniya at ang kambal niyang si Lyra.
Naramdaman din ni Miguel na nasa tabi na nya ang kaniyang ama. Maluha luha rin ito na hinawakan siya sa balikat.
Nang malapit na si Maricar kasama ang mga magulang nito ay niyakap siya nina Miracle at Iggy Cruz.
"Thank you, 'Nay and 'Tay." Iyon na ang tawag ni Miguel sa mga ito ilan buwan na rin ang nakakaraan tulad ng pagtawag ni Maricar sa mga ito.
Mahigpit na yakap ang ibinalik ni Iggy sa kaniya. "I know you'll take care of my baby girl." Maluha-luha rin nitong sagot.
Nang hawakan niya ang kamay ni Maricar, kita niya sa loob ng belo nito ang matamis nitong mga ngiti.
"Are you okay?" Tanong nito sa kaniya.
"Yes, I am." Sagot niya at pinunasan pa nito ang isang parte ng pisngi niya na basa ng luha.
"Okay kasi akala ko naiiyak ka kasi wala ka nang kawala..." Biro pa nito sa kaniya.
"I'm yours forever, walang kawala."
Nagsalita ang pari. "Hijo at hiya, gusto namin marinig ang mga vows niyo kaya dito na kayo. Balita ko masarap ang handa sa reception kaya mabuting simulan na natin ito."
Sabay-sabay naman nagtawanan ang mga tao sa simbahan.