HARRIS' POV Hinatid ko sila dad sa labas at hinintay ko munang makaalis ang sasakyan nila bago ako pumasok sa loob. Paakyat na sana ako sa kwarto maalala kong kuhanin ang ilang gamit kong naiwan sa van. Pag-slide ko sa pinto, inabot ko agad ang backpack ko na itim sa unang upuan kung saan naupo si Sandrynne. Hinanap ko ang isang cell phone ko, 'yung secret phone, pero wala. Napilitan tuloy akong pumasok sa loob para hanapin 'yon at agad ko rin namang natanaw sa lapag. Nalaglag lang pala. Pumasok na 'ko sa loob ng bahay at dumiretso sa kwarto para makapagsimula na 'kong mag-empake. Ilang sandali pa, habang inaayos ko ang mga gamit sa maleta, nag-ring ang secret/private phone kong ipinatong sa bedside table. Tunog ng messenger. Saglit kong itinigil ang ginagawa para lapitan 'yon, ngu

