REB POV Pagkatapos kong punasan ang luha ni Eyin, aksidenteng dumako ang paningin ko sa 'di kalayuan. Mula roon, nakita ko si Pitchie, kaharap niya 'yung lalaki na taga-engineering department. 'Yung dating nanghingi ng number niya. "Bakit?" tanong sa 'kin ni Eyin kaya binalik ko ang tingin ko sa kaniya. "Wala. Tara na." I force a smile at nagsimula na kaming maglakad pabalik kung saan ko pinark ang sasakyan. Habang nagdadrive, tahimik lang kami at hindi ko mapigilang mapaisip. Naalala ko bigla ang araw na tinanong ko si Pitchie kung nanliligaw sa kaniya ang lalaking 'yon, at sinabi niyang oo, gusto daw siya nitong ligawan. I asked her kung gusto rin ba niya. Ang sabi niya sa 'kin, hindi niya alam. At kung magpapaligaw man daw siya, wala na raw akong pakialam doon. Okay. She was rig

