CAMILA POINT OF VIEW Pagkatapos ng sinabi ni Julius, napako ako sa kinatatayuan ko sa harap ng flower shop. Hindi ko maintindihan kung saan nanggagaling ang biglang pagbabago niya. Noong una, para siyang may malasakit, parang handa siyang suportahan ako. Pero ngayon, ibang Julius na ang nasa harapan ko. At ang sinabi niyang balak niyang magtayo ng bagong shop na tatapat sa negosyo ko—parang sinaksak ako ng paulit-ulit. “Anong ibig mong sabihin, Julius?!” tanong ko, ang boses ko ay nanginginig sa galit at pagkabigla. Ngumiti siya, pero wala ni katiting na init o sinseridad sa ngiti niyang iyon. “Simple lang, Camila. Magtatayo ako ng bagong flower shop dito mismo, sa tapat ng sa’yo. You could’ve avoided all this. But no, you chose Marcus over me.” “Julius, this isn’t about Marcus!” sago

