CAMILA P.O.V Dahil sa appointment ko ngayon, hindi ko inaasahan na magiging ganito ka-seryoso ang lahat. Pumasok ako sa malaking building ng kumpanya kung saan ako nakatakdang makipag-meeting sa manager na tumawag sa shop namin. May malaking event daw ang kumpanya, isang anniversary celebration, at nais nilang mag-collaborate kami para mag-deliver ng mga bulaklak. Alam kong malaki ang ibig sabihin ng oportunidad na ito para sa shop namin, kaya’t hindi ko pwedeng palampasin. Pagpasok ko sa lobby, agad akong na-amaze sa laki at modernong itsura ng opisina. Ang mga glass walls, ang mga magandang tanawin mula sa taas, at ang mga puting pader na may mga paintings na malalaki. Kung titingnan mo lang, akala mo high-end, at kahit ako ay nabilib sa lugar. Sinabi sa akin ng receptionist kung saan

