MARCUS JAVIER POINT OF VIEW Lumipas ang dalawang linggo at hindi ko na kayang itago pa sa sarili ko ang nararamdaman ko para kay Camila. Hindi ko inaasahan na ang isang simpleng ugnayan sa negosyo ay magiging ganito kaseryoso sa akin. Simula nang magkasama kami, hindi ko na matanggal sa isip ko si Camila. Hindi lang siya isang magaling na business partner; may ibang aspeto sa kanya na nahulog ako. At sa bawat araw na lumilipas, mas lalo ko siyang nakikilala at mas lalo ko siyang naaalala. Naalala ko pa noong unang beses na nagpunta kami sa isang restaurant para kumain. Habang magkasama kami, may kakaibang koneksyon kaming naramdaman, kahit na hindi namin ito tahasang ipinapakita. I couldn’t help but be drawn to her simplicity, her charm, and her warmth. Every time she smiled, it was lik

