Sun and Moon Umalis na yung doctor pero hindi pa rin ako makapaniwala. Literal akong natulala, shocked, mostly scared. Sa mga sandaling iyon ay wala na akong maintindihan pa sa mga sinasabi niya. Ang iniisip ko lamang ay ang bata sa tiyan ko. May bata sa tiyan ko! It's not just a baby. It's my baby! Anak ko! May anak ako. I'm pregnant and I'm not even aware. If only I knew before, this would never have happened! Kung alam ko lang, sana napangalagaan ko ang sarili ko. Dahil sa katangahan ko, muntik pang mapahamak ang anak ko! Dahil lang sa kagagahan ko! 8 weeks na akong buntis pero wala akong kaalam-alam. Binilang ko ang mga nakalipas na linggo, ibig sabihin bago pa man ako bumalik sa Manila ay buntis na ako. Madalas akong mahilo at masuka, naging sensitive ang pang-amoy ko at ang dati k

