Blurb

226 Words
NBSB o No Bayo Since Birth — iyan ang bansag ng mga katrabaho at kaibigan ni Georgina sa kanya. Paano ba naman kasi, malapit nang lumagpas sa kalendaryo ang edad n'ya ngunit hindi pa rin niya nararanasan ang sarap ng sèx. Para tulungan siyang masisid ang perlas ng silangan, dinala siya ng mga kaibigan sa isang exclusive bar para doon maghanap ng taong aangkin sa kanyang pinakainiingatang bataan. At hindi nga siya nabigo. May lalaki ngang umangkin sa kanya nang gabing 'yon. Kinabukasan ay dali-dali siyang umalis bago pa man magising ang lalaki. Sinigurado niyang wala siyang maiiwang bakas na maaaring magturo ng pagkakakilanlan niya. It was just a one night stand, and nothing else—just for experience kumbaga. Lumipas ang isang buwan at tila nabaon na sa isipan ni Georgina ang karanasang 'yon pati na rin ang lalaking unang umangkin sa kanya. Mas lalo pang nawala sa isipan niya ang bagay na 'yon dahil abala siya sa pag-asikaso sa retirement ng boss ng kompanyang pinagtatrabahuan dahil siya ang sekretarya nito. Isa rin sa pinagkakaabalahan niya ay ang pagpapakilala sa bagong magiging boss nila. At tunay ngang mapaglaro ang tadhana, dahil sa araw ng pagpapakilala ng bagong boss, ay muling nagpakita ang lalaking pilit niyang kinakalimutan. At ang mas nakakagulat pa, ito pala ay anak ng CEO ng kumpanya at siyang magiging bagong boss niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD