Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili ko. Ramdam ko ang pamumuo ng pawis sa noo ko gawa ng pagtakbo at matinding kahihiyan. Tumingin ako sa salamin para i-check ang mukha ko. Nawala yata ang sipa ng alak sa sistema ko. Nag-ayos na lang muna ako bago pinilit ang sariling umihi. Nang palabas na ako sa banyo ay natigilan ako nang maalala ko ang mukha ng lalaki kanina.
Aside sa iba ang dating niya dahil mukha siyang afam, pansin ko rin ang kagwapuhan niya. It was just for a short while but he really left an impression. Pero 'yon nga, dahil gwapo siya, I have to forget about him. I have to forget his face. 'Yong mga gano'ng mukha, 'yon ang mukha ng hindi papatol sa gaya ko.
Bumalik na ako sa table namin at si Stella na lang ang naiwan. "Gina, girl, bakit ang tagal mo? Nakantòt ka ba sa CR, ha?" bungad niya sa akin pagkaupo na pagkaupo ko. Inabot niya sa akin ang wallet at cellphone ko. "Here, hold it. Keep watch of your own belongings," nakangising dagdag niya bago tumayo. "Gogora na ako sa dance floor. Sama ka? Nandoon na ang dalawa and probably nakahanap na ng boylets."
Umiling lang ako sa kanya at ngumiti. "I'll stay here."
Tumango lang siya at umalis na. Nang ako na lang ang naiwan ay nagdesisyon akong muling uminom. I have been so busy and stressed out lately. Mapa bahay man o opisina ay ang dami kong iniisip. Nakakapagod din minsan pero kailangan kong magpatuloy. Hindi ako pwedeng sumuko dahil maraming umaasa sa akin.
Dalawang taon na yata akong walang leave sa opisina. Bilib na bilib nga sa akin ang mga officemate ko dahil ang bagsik ko raw magtrabaho. Ang hindi nila alam, pagod na pagod na ako; gusto ko ring mag-leave at magpahinga o magbakasyon para makapag-unwind, pero hindi ko magawa-gawa dahil ibabayad ko na lang ang pera sa utang namin.
Isang taon na mula nang mamayapa ang ama ko. Hindi talaga ako malapit sa kanya. Sa totoo lang, walang malapit sa kanya bukod sa nanay naming martyr. Abusado ang ama ko, sugarol, lasinggero, irresponsable—lahat na ng katangian ng isang walang kwentang ama ay nasa kanya na. Sa murang edad ay natuto akong kumayod para sa sarili ko. Ilang beses akong huminto sa pag-aaral hanggang sa natuto akong itaguyod ang pag-aaral ko sa kolehiyo.
Halos hindi na ako makatulog dati mapagsabay lang ang pag-aaral at ang part-time job para lang may maipangbayad ako sa tuition. At sa awa ng diyos, matapos ang ilang taon, nakapagtapos ako ng Business Administration with latin honors. Dahil din sa ganda ng records ko ay personal akong nirekomenda ng university sa company ni Mr. Consunji. At sa awa ng diyos ay na-hire ako.
Three years na akong nagtatrabaho sa kanya. At ang laki ng pagbabago ng buhay noong unang taon ko sa kompanya. Akala ko nga giginhawa na ang buhay ko, eh. Pero ang tarantàdo kong ama, nagkasakit at kinailangang mag-undergo ng dialysis. Ayoko sanang gastusan, pero hindi naman ako ganoon kawalang hiya. Nag-loan ako sa kompanya para lang maging successful ang dialysis niya, pero hindi rin siya naka-survive matapos lang ang isang taon. Kaya heto ako ngayon, lubog sa utang.
Malapit nang lumagpas sa kalendaryo ang edad ko pero ni minsan hindi ko nauna ang sarili ko. Hindi ko kailanman naging priority ang kasiyahan ko dahil gusto kong guminhawa muna kahit papaano ang buhay ng pamilya ko. Iyon kasi ang hindi namin naranasan noon.
Napabuga ako ng hangin at hindi napigilang matawa sa sarili ko. Sa bar pa talaga ako nag-emote. I should be partying right now, but here I am, mourning over the life I lost.
Napatingala ako bago lumagok ng alak. Laking pasasalamat ko talaga sa tatlong bruhang kaibigan ko dahil kahit papaano ay nai-enjoy ko ang buhay ko. Tatlong taon pa lang kaming magkakaibigan pero parang magkakapatid na ang turingan namin.
Napangiwi ako nang gumuhit ang alak sa lalamunan ko. Agad kong tiningnan ang bote at napamura na lang ako nang makita ko ang alcohol content nito. Hindi ito ang ininom namin kanina. Mukhang um-order sila ng mas matapang.
"Bahala na..." bulong ko at muling nagsalin sa baso. Maglalasing na lang ako ngayong gabi. I'm sure ihahatid naman ako nila Stella sa bahay. Nandito na lang din naman ako, might as well enjoy my time.
Nakailang baso pa lang ako pero nagsimula nang umikot ang paningin ko. Mariin akong pumikit at piniling tumigil na lang muna sa pag-inom. Siguro dala na rin ng alcohol ay naisipan kong makisali sa sayawan. Umindayog ako sa tugtog. Wala na akong pakialam kung sino ang makasayaw ko. I just wanted to get wasted.
Nadala na rin ako sa energy ng mga tao sa paligid. I found myself jumping with my hands in the air. I got more intoxicated. Ang ingay ng mga tao sa paligid, ang magkahalong amoy ng sigarilyo at alak, at ang malakas na tugtog—lahat ng 'yon ay ramdam na ramdam ko.
Sa kalagitnaan ng pagsasayaw ko ay may marahang humila sa akin. Naningkit pa ang mga mata ko makita lang kung sino 'yon, pero halos lumuwa ang mga mata ko sa gulat nang makilala ito—siya 'yong lalaking aksidenteng nahipuan ko.
Ngumisi siya sa akin bago inilapit ang bibig niya sa tainga ko. "Let's dance?" halos pasigaw niyang sabi dahil sa ingay ng paligid.
Imbes na mahiya, ay tumango ako at ngumisi sa kanya. Ako pa ang naglakas loob na itulak siya sa gitna ng dance floor. Iba talaga ang epekto ng alak—nakakalakas ng loob.
Hindi ko mapigilang hindi mapatitig sa kanya. I really find him so attractive. Nakakadala ang ngisi niya pati na rin ang titig niya.
Ilang sandali pa ay mas lumapit siya sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at inilingkis ito sa palibot ng leeg niya. Habang ang magkabilang kamay niya ay napunta sa baywang ko. Hinila niya ako palapit sa kanya hanggang sa magdikit ang mga katawan namin.
Ipinagdikit niya ang aming mga noo. At hindi ko mapigilang mapalunok, lalo na nang magsimulang mag-init ang pisngi ko. Ramdam ko ang mabilis at malakas na kabog ng dibdib ko dahil sa kilig. Sino ba namang hindi kikiligin sa ganito kagwapong lalaki, 'di ba?
"What's your name?" tanong niya sa akin habang ginagabayan niya ang galaw ng katawan ko sa indayog ng musika.
"I'm Georgina," sagot ko sa kanya. "How about you?"
"I'm Sullivan. But you can call me Sull or Ivan," sagot niya. "But if it's too confusing for you, you can just call me baby," banat niya.
At ako namang si uto-uto at tangà ay napabungisngis dahil sa kilig. "Okay, baby," pagsakay ko sa trip niya.
"We met in a very peculiar way that it's almost funny to remember," aniya bago bahagyang lumayo sa akin at tiningnan ako sa aking mga mata. "I don't know how did it happen, but I think I like you," malakas niyang pagkakasabi.
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Lumundag ang puso ko sa kilig at hindi ko napigilan ang paglaki ng ngisi sa mga labi ko. "Really?" hindi makapaniwalang sabi ko.
"I think you want some proof," aniya at nabigla na lang ako nang bigla niya akong hinalikan.
Natulala ang birhen sa nangyari. Nanlaki ang mga mata ko at hindi ko alam kung ano ang gagawin. I have never been kissed in a bar—no, in my entire life. Hindi ko alam kung ano ang gagawin! Should I kiss him back? Pero paano? Paano ba humalik?
Nag-error yata ang utak ko at ang tanging nagawa ko na lang ay tumayo nang tuwid habang nakadilat ang mga mata.
"Is that enough proof?" tanong niya nang maghiwalay ang mga labi namin. Hinawakan niya ang pisngi ko at hinaplos-haplos ito gamit ang hinlalaki niya. "You see, I really like you," dagdag niya at tumingin nang diretso sa aking mga mata. "I want you. I want to fùck you," bulong niya bago muling inangkin ang mga labi ko.
Ano raw?
Fùck me?
Wait, don't tell me mangyayari na ang pinapangarap ng mga kaibigan ko sa akin?
Napatingin ako sa kanya pagkatapos niya akong halikan. Halos mabingi ako—hindi sa tugtog kundi sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko.
"Are you up for a one-night stand?" tanong niya habang nakatingin nang diretso sa akin ang nakakalunod niyang mga mata.
Nakagat ko na lang ang ibabang labi ko at napamura sa aking isipan nang marinig ko ang tanong niya.
Jusmiyo marimar. Ito na ba talaga? Tuluyan na ba talagang makukudkod ang virgìn coconut ko?