CHAPTER ONE:
"Eesi tumawag sa kin si mama, may susundo daw sa atin dito mamaya yung aunt ni mama" sabi ko kang Eesi, nasa living room kami pareho.
"ha? bakit daw?"
"eh birthday raw tapos gusto tayong papuntahin"
"nakakahiya naman Jus, ikaw nalang kaya, di naman kami mag ka ano nun" ayaw ko rin namang pumunta ha.
"hindi pwede, nag eexpect daw siya, mabait naman daw yun. Pinatira nga tayo dito diba? magbihis ka nalang dami mo pang angal"
wala na din siyang nagawa, hindi naman siya pwedeng maiwan dito, hindi din pwedeng ako lang ang pupunta, mababaliw siguro ako dun dahil ni isa wala akong kakilala.
Nakabihis na ako, naka plain white shirt at skinny pants lang and as for my shoes, I'm wearing a highcut converse shoes. Bumaba si Eesi at naka bodycon na naman, as expected from her. Nuon ko pa talaga to napapansin na magkaiba talaga ang style namin lol. Sa tuwing gagala nga kaming dalawa naiisip ko if napagkakamalan ba kaming mag jowa sa datingan namin.
May nag door bell sa bahay, and I think yun na ata yung sundo namin.
"Hi, how are you ladies?" bati niya sa amin nang makalapit kami sa kanya, siya si kuya nelson, anak ng auntie ni mama or should I say cousin siya ni mama. Sila ang may ari ng bahay na tinutuluyan namin ngayon.
"Hi po kuya Nelson" I know na dapat tito or uncle ang itatawag ko kaso ang weird naman siguro nun, feeling ko kasi na sa mga 25 years old palang siya and if I'm not mistaken siya ang bunso nila.
"Kuya si Cereese po pala, best friend ko"
"Hi po" bati ni Eesi
"Hi, I'm glad na may kasama si tintin dito" gosh I hate that nickname. "Tara na, marami rami na din ang bisita ni mama sa bahay.
Sumakay na kami ni Eesi sa SUV na dala ni kuya, sa likod kami sumakay pareho, hindi ako mapakali, ano ba kasing gagawin namin dun, hindi pa naman kami social na tao.
Pumasok kami sa isang subdivision, mayaman naman sila, kaya siguro okay lang na iwan nila yung bahay nila don.
Malayo pa man ay nakikita na namin ang isang bahay na maraming nakapark na mga sasakyan sa tapat, I'm guessing yun yung bahay nila. Malaki at marangya.
"we're here, mom's really expecting you tintin" I just smiled as an answer, bat ba kasi tintin?
Nang makapasok kami ay bumungad sa amin ang mga bisita.
"Ang dami nilang bisita Jus, ano batong pinuntahan natin? birthday o fiesta" siniko ko si Eesi
"gago tone it down Eesi, baka may makarinig" sumimangot lamang siya.
"dito tayo girls, nandun si mama sa may kusina" sumunod lang kami sa kanya. Si Eesi naman kinaladkad ko na at baka magkahiwalay pa kami, panay hanap ng pogi eh.
Nakita ko na si auntie Linda, may kausap na mga matatanda. I know na lola na dapat tawag ko sa kanya pero oks na ang aunte, di naman din siya ganoon ka tanda. Nang magtama ang paningin namin, agad siyang nagpaalam sa kausap at bumaling na sa amin.
"Tintin, ang laki mo na, lahi talaga natin ang mga magaganda no?" tumawa lang ako at nag mano, nag mano din si Eesi.
"Auntie si Cereese po, best friend ko"
"Nako, kamusta ka hija, sana hindi kayo masyadong nahirapan sa paglilinis sa bahay, medyo matagal tagal nadin namin yun nabibisita"
"Nako okay lang po yun, salamat sa pagpapatuloy po" sabi naman ni Eesi.
"O siya, kumain na muna kayo at may aasikasuhin pa ako dun, babalikan ko kayo" tumngo at ngumiti ako bilang tugon. "Nel, huwag mong iwanan ang dalawa ha" baling niya kay kuya.
"Opo ma" sagot niya naman. "Kumain na muna kayo at mamaya na tayo mag usap-usap"
"Jus oh," inabutan ako ni Eesi ng plato at tinidor.
"huwaw Cereese di naman masyadong halata na gutom ka no?"
lumingon siya sa akin na may nagtatakang mukha "di ba halata? mabuti nalang, akala ko pa naman mukha akong patay gutom na"
"ha ha, nevermind kumuha ka na" minsan ayaw ko nalang magbiro sa kanya eh, medyo slow.
kumuha ako ng lumpia, spag at mango float. Ayaw ko munang mag rice baka may photoshoot ako bukas ng hapon, hindi pa naman ako nag exercise mga ilang weeks na. Si Eesi naman palakain yun, nag cocontrol nadin siya ngayon kaso pagtingin ko sa plate niya marami kinuha niyang lechon at rice. Mauubos kaya niya yun.
Nagsimula na kaming kumain, bumalik din si Auntie sa amin para magtanong kung ano ang ganap sa amin.
"Mare nandiyan ka na pala" sabay kaming lahat napalingon sa gawi nila auntie at nakita kong may kakadating lang na babae, medyo bata pa conpare kang auntie, mga kaedad ata to ni mama.
"Ikaw lang ba? si pare?" tanong ni auntie
"Nasa trabaho payun, hindi siguro makakauwi ng maaga. Kasama ko ang pangalawa ko si Aden. Asan na yung batang yun" palinga linga siya "ay ayun" turo niya sa isang lalaking naka plain white shirt at tattered jeans. "anak lika dito dali, magmano ka muna"
lumapit siya at nagmano kay auntie. Isa lang talaga nasa utak ko, ang gwapo niya, kilig na kilig talaga lahat ng organs ko lol. Tinignan ko naman si Eesi at nakatingin na din siya sa lalaking yun. HAHAHAHAH natatawa ako sa itsura niya, hawak hawak pa niya ang ribs ng lechon nakakahiya HAHAHAHAHHA.
"Happy birthday po ninang" sabi ni Eden? Aden ba yun? di ko masayado narinig eh. so ninang niya pala si auntie.
"Salamat hijo, ay ito nga pala ang apo ko" pagpapakilala niya sa akin, wait laangg, baka may spaghetti sauce ako sa mukha huhu.. Tipid lang akong ngumiti, naco-conscious ako baka ano na ang itsura ko, bakit ba kasi dumating sila nang kumakain pa ako.
"At ang kaibigan niya" turo ni auntie kay Eesi, tumingin uli ako kay Eesi, ngumiti siya at kita kong may lechon na nakasangit sa braces niya. Gusto kong magwala kasi nakakatawa. Tumawa ako habang nakayuko, omaygad diko ata kaya tung pinaggagawa ni Eesi HAHAHAH.
"kumain muna kayo dito" sumunod naman sina Aden at mama niya kay auntie.
"Eesi, HAHAHAHAHAH" tumawa na ako sa kanya, epic talaga to palagi.
"Ano? bakit ka tumatawa?" kinuha niya ang phone niya at tinignan ang mukha. "wala naman ah? ano ba kasi yun?" inis niyang tanong.
"hindi, may nakasabit kasi sa braces mo. Diba sabi ko huwag kang ngingiti masyado pag kumakain tayo cause you never know" na try ko na kasing mag braces noon and napahiya nadin ako, di mo talaga maiiwasang may masangit don.
"oh sheettt, nakita niya kaya yun? huhu Justiiinee"
"di naman siguro" sinabi ko nalang.
Pagkatapos naming kumain pumunta na kami sa sala at nakita namin sila don. Wala na ring masyadong tao at may nagsisiuwian na rin.
Nakita nila ang pagdating namin kaya agad di kaminv tinawag, nag secelphone lang kami ni Eesi hanggang sa tumayo si auntie.
"maiwan ko na muna kayo riyan, magliligpit na ako nasa bakasyon si yaya" sabi niya.
"Auntie tulungan napo namin kayo" nakakahiya naman kasi kung wala kaming gagawin, pasasalamat narin yun.
"Oo nga po, marami rami din po yung lilinisan" sabi naman ni Eesi. Ngumiti lamang si auntie at sinasabi pa niyang huwag nalang daw.
"tulungan ka na namin mare" lumingon kami at nakitang nagliligpit narin si kuya Nelson at yung mama ni Aden. Hinahanap ko naman si Aden. Hindi ba siya tutulong?
"Here"
"Ahh" nagulat ako nang may nag abot sa akin ng mga plato, ako kasi ang nag babanlaw.
"Sorry, did I startled you?" si Aden, saan ba siya dumaan? bat kung saan saan lang to sumusulpot.
"ahh no, it's fine" I answered and he smiled. His eyes, they were beautiful. I didn't notice it at first pero ang ganda ng mata niya, shet ang bango pa.
"Hija ano nga palang course niyo?" tanong ni mother in law char. Sasagot na sana ako pero inunahan na ako ni Auntie.
"Business Ad. silang dalawa niyang kaibigan niya, nag papart time din yan sila sa mga photoshoot" tumango tango nalang ako.
"Ah talaga?, bagay naman sa kanila ang gaganda pa"
"thank you po" sabi ni Eesi, hindi ako sanay ng harap harapang compliments parang ang awkward.
"Ang anak kong si Aden IT ang kinuha" sabi nang mama ni Aden
"diba photographer ka noong high school bro? sumasali karin sa mga photoshoots minsan diba?" sumingit naman si kuya nelson.
"Ahh yes, but I stopped."
"ay bakit naman sayang" shet, natikum ko agad ang bibig ko ng sabihin ko yun. Feeling close lang? ahhh nahihiya ako.
He looked at me and smiled " it's just a hobby of mine, and I'm focusing on my studies" mabuti nalang talaga sinagot niya, nakakahiya namang maging ako shems.
tinignan ko kung ano ng ginagawa ni Eesi at nakatingin na pala siya saakin, making weird faces, smirking, racing her brows. Kinunutan ko lang siya ng noo, ano na naman iniisip nun.
"Gabi na, nak, Ihatid muna sila Justine" sabi ni auntie
"Nako ma, may emergency zoom meeting daw kami" nag aalalang sagot niya at panay tingin sa laptop niya. "ahh pwede bang mamaya ko na kayo ihatid pag natapos lang to"
"okay lang kuya nel-
"kami nalang maghahatid ninang" di ko natapos ang sasabihin ko nang nag presenta si Aden.
"huy huwag na, hihintayin nalang namin si kuya" sabi ko, nakakahiya naman.
"okay lang yun hija, madadaan lang naman namin yung la filipina" wala na kaming nagawa kundi sumunod nalang, lalo na at si auntie din mismo ay nagsabi narin.