Hubarin mo "Tara Trace! Gusto ko ng mabasa!" Hinila na ako ni Rinka nang makabawi kami sa kanyang imahe. "Mamaya nalang ako maliligo," sabi ko at umatras lalo na't iyong dalawa ay nagpapaligsahan ng bumaba at sumulong roon sa tubig. "Sigurado ka?" tanong niya na ikinatango ko. Ilang sigundo muna akong tiningnan ni Rinka pero sumunod rin naman agad ito sa tatlo. Iyong dalawa ay nagtutulakan na sa parang jacuzzi na tubig. May pagka kulay berde dahil narin siguro sa paligid na puro mga puno at parang sumisilip lamang ang sinag ng araw. Naglakad ako pababa pero tumigil rin ako roon sa may batuhan at umupo. Inilublob ko lamang ang aking mga paa. Si Israel naman ay hindi matanggal tanggal ang tingin sa akin. Tumayo siya at inihulog muli ang sarili sa tubig. Nagsitilian naman agad ang tatl

