Balang Araw Nakisabay akong lumabas ng paaralan sa tatlo. Maingay na naman sila at may ibang topic habang okyupado naman ng kung ano ang aking isipan. "Uy si Israel iyon diba!" May itinuro si Rinka na nagpahinto sa akin paglalakad. Kahit may kalayuan pa kami sa gate ay malinaw ko ng nakita ang imahe niya roon. Nakasandal ito sa nakabukas na gate habang nakapamulsa. May isang stick ng sigarilyo naman itong pinaglalaruan sa kanyang bibig pero walang sindi habang ang isang paa ay nakatukod sa gate. "Tara Trace! Hinihintay ka niyan siguro!" Hinawakan ni Rose ang aking pulso at handa na akong kaladkarin kaya mabilis ko iyong binawi. Ang nagdidiwang nilang mga mukha ay unti-unting naglaho dahil sa aking reaksyon. "May kukunin pa pala ako sa classroom. Mauna nalang kayo." Mabilis na akong

