Sa mundong ito, isa ang beauty privilege na necessity para mabuhay. Alam naman natin kung anong ibig-sabihin no'n hindi ba? Halimbawa, may isang magandang babae at hindi kagandahang babae ang pumasok sa isang bus. Hindi gano'n kaluwang doon at wala ng puwedeng mauupan pa, nagtinginan ang mga pasahero sa dalawang babaeng nakatayo at shempre, automatic na binigyan ng upuan yung babaeng maganda samantalang naiwang nakatayo yung hindi kagandahan.
Nakukuha nyo? Kahit pareho silang babae ay hindi iyon naging basehan sa respeto ng mga naroroon, kung hindi ang kanilang hitsura.
Ako si Seylen Santos, middle school student, nakatira sa 4th Ligaya strt, panganay sa tatlong magkakapatid, bread winner na rin, at higit sa lahat, ang pinaka-malas na tao sa mundong ibabaw. Bakit? Ako lang naman yung hindi kagandahang babae ang tinutukoy ko kanina.
Napasulyap tuloy ako sa kasabay kong magandang babae pagsakay ko ng bus, medyo nahiya pa ako nang makita ang kabuuan nito. Nakita ko kasing pareho ang uniform naming suot. Ibig-sabihin ay iisa lang kami ng pinapasukan. Hindi naman sa nagrereklamo akong unfair ang mundo at siya lang ang pinansin ng mga ugok na pasahero at binigyan ng upuan dahil sanay na naman ako. Buong buhay ko ay hindi pa ako nakakita ng kabutihang loob ng iba.
"Miss, ayos ka lang ba? Gusto mo bang maupo?" biglang anas nung magandang babae habang nakatingala sakin. Napansin ata nito ang mga bitbit kong eco-bag na puno ng materials, ido-donate ko sana sa theaters club dahil first da ko bilang fourth year.
Ako ba ang kinakausap niya? Tumingin pa ako sa magkabilang gilid ko para makasigurado pero mukhang ako talaga ang kinakausap nito. Nakatingin rin kasi sakin ng masama itong mga ulupong na katabi kong nakatayo, sila yung nagbigay ng upuan. Anong akala nila? Aagawan ko ng upuan tong magandang babae?
"Ah, hindi na... malapit na naman yung bababaan ko" anas ko pa at nakita ang paglugmok ng balikat nito. Ehh, alangan naman kunin ko yung upuan niya? Ayoko ng gulo. Baka sabihin pa ng mga nandito ay paimportante ako. Magmukha pa akong villain. Saka bakas sa mukha nung mga lalaking pasahero na kapag pumayag ako ay malalagot ako sa kanila. Tsk. Ano bang akala nila? Baka bigyan ko sila ng one punch ni Seylen. Tsk.
At saka, hindi naman kami magkakilala hindi ba? Bakit parang disappointed itong si ate? Hindi niya ba alam na ipapahamak ako ng kabutihan nya? Umiiwas pa naman ako sa rambol.
"Gano'n ba?... okay" mahina pa nitong tugon saka kinagat ang pang ibabang labi. Hindi ko na lang ito pinansin saka kumapit ng mahigpit sa hawakan ng bus. Hays, mukha tuloy ang sama ng ugali ko, aminado naman ako do'n hehe.
Ilang minuto pang pagliko-liko ang lumipas ay natanaw ko na ang school namin. Huminto yung bus na sinasakyan ko at akmang bababa na ako nang makaramdam ako ng kamay sa braso ko. Kunot noo ko itong nilingon, muling tumambad sakin yung magandang babae. Humawi ang kulay tsokolate nitong buhok nang bumukas ang pinto ng bus dahil kasabay no'n ang pagpasok ng hangin sa labas.
Grabe, mala-diyosa...
"Can I go with you?" bulaslas nito na siyang ikinahinto ko. 'Can I go with you?' huh? ako? kami? Bakit?
Kunot noo pa rin akong nakatingin dito, hindi ito mapakali habang nakahawak sa manggas ng uniform ko. Hindi ko maintindihan pero parang hindi tumatakbo ng maayos ang utak ko.
"I'm not yet familiar in this place... so" dagdag pa nito na siyang ikinalunok ko. Humigpit ang kapit ko sa mga dala kong eco-bag saka natingin rito.
Magsasalita na sana ako nang biglang sumigaw yung driver.
"Mga iha, pwede bang bumaba na kayo at sa daan na lang mag-usap?" saka lang ako bumalik sa ulirat at nakitang nakaharang nga kami sa entrance ng bus. Dali-dali kaming bumaba saka yumuko rito. Nakakahiya.
"Pasensya na po!" sigaw ko pa habang nakatanaw sa paalis na bus. Nahagip pa ng mga mata ko yung mga lalaking pasahero na nakatitig pa rin rito sa magandang babae kahit umaandar na yung bus. Ibang klase talaga ang ganda ng isang 'to, halos mabali na yung mga leeg nung pasahero matignan lang siya.
"Um... can I?" biglang singit muli nung babae sa gilid ko kaya napalunok ako. Ano pa bang magagawa ko? Pero kasi naman, sa dinami-dami ng estudyante bakit ako pa? Hindi naman sa ayaw ko sa kanya, masyado kaming masakit sa mata tingnan.
Nakita ko kasing pinagtitinginan na kami ng mga tao, malamang, sa ganda ba naman nya e, at sa pangit ko. Magtataka talaga sila kung bakit kami magksama.
"Sige... sasamahan na lang kita makarating sa G.O--" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ay yumapos na ito sa braso ko saka nagtatalon. Sa gulat ko pa'y kamuntik ko nang mabitawan ang mga bitbit ko.
"Really? How kind of you!! Thank you!!"
"W-Walang anuman" anas ko na lang habang iniiwasan ang mga tingin na pumupukol samin.
Habang naglalakad papasok ng campus ay iba't-ibang tingin ang sumalubong samin. Mayroong nagtataka, nandidiri, natatawa at iba pa. Ano kayang naiisip ng mga taong 'to? Akala ba nila'y napaka taas na nila? Tao rin naman ako a? Hindi nga lang halata, oo na. Pero nakakainis, gusto ko silang bigwasan. tsk. Mga maaarte! Hindi naman nakakahawa ang kapangitan a?
"Um... I'm Cristene Nofuente... sorry kung hindi ako nagpakilala agad" biglang anas nitong kasama kong magandang babae nang marating namin ang palikong corridor malapit sa building three. Nagulat pa ako nang hawiin nito ang sariling umaalpas na buhok saka isiningit sa likod ng tenga nito. Wow, ito ba yung sinasabi nilang 'effortless'? Ang ganda niya kahit humihinga lang siya.
"A-ah!... okay lang, nakalimutan ko rin namang magpakilala... ako pala si Seylen... 4th year, Zeus" ngiti ko rito. Lumapad kaagad ang ngiti sa mukha nito nang marinig ang sinabi ko.
"Did I hear you right? 4th year Zeus?! Right?!" masayang sigaw nito kaya nagitla ako. Muli kaming inulan ng tingin dahil sa bukod sa super appearance nitong si Cristene ay nag-echo ang sigaw nito.
Nahinto kami sa corridor malapit sa entrance ng building three nang hawakan nito ang kamay kong bitbit ang eco-bag.
"Ah... Cristene? Ayos ka lang ba? Mukha kasing nagkaron ka ng biglaang Adrenalene rush? Pati yung mga mata mo biglang kuminang?..." nahihiya ko pang sabi ngunit tumawa lang ito.
"Pero totoo? 4th year Zeus ka?" paninigurado pa nito, tumango-tango pa ako para sang-ayunan ito.
Feeling ko ay mas lumaki ang ngisi sa labi niya. Ano bang problema nya?
"Then... if I'm right... classmate mo si King Agathae Lopez?" tili na naman nito habang kapit pa rin ang kamay ko. Pumakla ang timpla ng mukha ko nang marinig ang pangalan na binanggit ni Cristene. Seryoso ba siya?
"Magkakilala ba kayo nung kupal--Ibig ko sabihin ay King na 'yon?... magkakilala kayo?" kunot noo ko pang tanong rito ngunit bakas na sa mukha nito ang sagot sa tanong ko. Namumula ang mapuputi nitong pisngi at para itong hindi mapakali sa kinatatayuan nito. Mukhang fan ng kupal na hari ang isang ito. Hays. May bago na namang miyembro ang 'King's heart fans club'.
"um... we're childhood friends... you see... my brother is his bestfriend" pigil ngiti nitong saad habang nakatingin sa mga kamay nitong nakakapit sakin. Ah, kaya. So tama ang hula ko? Isa siyang transferee, hindi kasi pamilyar ang hitsura nya sakin. Saka nagpapatulong rin siyang makarating sa G.O., pero kung childhood friend at bestfriend ng kuya niya ang kupal na haring 'yon, edi ibig-sabihin ay dito rin nag-aaral ang kuya niya? Pero sino? Dalawang tao lang naman ang kabuntot nung kupal na hari lagi? Pero ano bang paki-elam ko diba? Tsk. Ayokong sumama ang araw ko, huwag mo ng isipin ang mga rich kid na 'yon Seylen.
"Seylen, you there? Hey?" tawag pansin sakin ni Cristene. Mukhang malayo ang nilakbay ng utak ko. Tumawa na lang ako saka muli itong iginaya patungo sa G.O, nang makarating kami ro'n ay bumungad kaagad samin si Professor Henley. Executive sa G.O. Napangiwi pa ako nang magtama ang mata namin.
"Ah... Cristene, maiwan na kita ha? Baka malate ako sa first class--" natigilan ako sa pagsasalita nang putulin ni Professor Henley ang pagsasalita ko. Napaharap tuloy ako sa gawi nito ng wala sa oras.
"Ehem! At anong ginagawa ng henyong basag-ulo dito? May ginawa ka na naman bang gulo Ms. Santos? Hmm?!" ngirit ni professor Henley saka ako tinaasan ng kilay.
Heto na naman kami.
"Sir, wala po akong--"
"Hep! Sumusobra ka na talaga! Hindi porket nangunguna ka sa paaralang ito ay pwede mo ng gulpihin lahat ng estudyante rito! Sumusobra ka ng bata ka! kebabaeng tao! Hindi na nahiya! Sino na namang tinamaan niyang kamao mo? Anong saysay ng utak mo kung puro gulo lang ang dala mo dito?"
Nakakarindi. Kailan ba nya ko pinatapos mag-explain? Lagi naman akong mali sa paningin ng Prof na 'to. Ilang oras na naman kaya tatagal ang sermon nito?
"Hindi ko alam kung saan ba kami nagkulang mga guro mo--"
"Excuse me? I think you're mistaken... Seylen didn't do such thing" nagulat ako sa biglang pagsingit na ginawa ni Cristene. Mula sa likod ko ay humakbang ito papunta sa harap ni Professor Henley. Halata ang gulat sa mga mata ng guro nang makita si Cristene.
"And who are you? Hindi magandang ugali ang makisali sa usapan ng iba" taas kilay nitong sambit rito. Tumindig naman ng ayos si Cristene bago tuluyang nagsalita.
"I'm the new student, Cristene H. Nofuente. It's nice to meet you sir." ngisi nito sa guro, laking gulat ko lang nang magpanic si Prof Henley.
"N-Nofuente? You mean the 3rd year transferee, Cristene?" pag-uulit pa ni Prof Henley, tumango pa si Cristene at para namang nanlumo si Prof Henley sa narinig nito. Kilala nya ba si Cristene?
"Oh... ikaw pala ang bagong estudyanteng darating! Nasabi na ito sakin ng director! Pasensya ka na Ms. Nofuente, hindi kita namukhaan..." kamot ulo pang anas ni Prof Henley. Aba? Parang kanina lang ay halos pumutok na ang ugat sa leeg niya kakasigaw tapos ngayon ay biglang lumamlam ang boses niya? Hmm?
"No need to fret, Sir... gusto ko lang malaman kung saan ang assigned room ko kaya nagpasama ako sa friend ko papunta rito" ngiti ni Cristene'ng sambit.
"F-Friend?" takhang tanong pa ni Prof Henley. Kahit ako ay kunot ang noo sa sinabi nito. Teka, teka, hindi maganda ang kutob ko rito...
"Yeah, my friend here, Seylen..." ngisi nito kaya Prof Henley kaya naubo ito. Maging ako ay nabilaukan sa sinabi nito. Kami? Magkaibigan? Wow! Kailan pa ako nagkakaibigan ng Diyosa, aber?
"O..Oh... I see... k-kaibigan mo pala itong si Ms. Santos..." kamot ulong saad nito. Umismid lang ako sa gilid dahil alam kong napipilitan lang itong ngumiti kay Cristene. Sino ba namang maniniwalang magkaibigan kami? Para kaya kaming Beauty and the Beast.
"Yes, and I'd like you to apologize for what you said to her earlier" dire-diretsong sabi ni Cristene rito. Natigilan pa ako sa sinabi nito saka ito marahang nilingon. Baliw ba siya? Binigyan ko ito ng 'anong-sinasabi-mo-look' pero mukhang hindi nya yon naintindihan.
"Teka... Cristene, ayos lang--"
"No, it's not. I'm uncomfortable. He jumped into assumptions and accused you suddenly without hearing a word from you" mariing sambit ni Cristene. Malamang ganyan ang magiging reaksyon niya, hindi nya naman kasi alam ang katayuan ko sa school na to. Napa-buntong hininga na lang ako dahil mukhang seryoso nga siya. Nang balingan ko naman ng tingin si Prof Henley ay salubong ang kilay nito.
"H-Hindi ka naman mabiro Ms. Nofuente... ganito talaga kami magbatian ni Ms. Santos! Hindi ba Ms. Santos?" naiilang pang baling sakin ni Prof Henley. Ngumiwi bahagya ang labi ko nang makita ang paghihitsura nito.
"Totoo ba 'yon Seylen?" nag-aalala pang tanong ni Cristene sakin. Mukhang one of the innocent itong si Cristene a? Pero shempre, alangan namang barahin ko itong si Prof Henley, ayoko naman ng gulo. Nagbagong buhay na ako, bagong taon, bagong Seylen!
"Huwag ka mag-aalala Cristene, nagbibiro lang itong si Prof Henley, ganito talaga kami kapag nagkikita" pilit ang ngiti kong sabi habang tumatawa. Napabuntong hininga pa si Cristene bago muling tumingin kay Prof Henley.
"Is that so... I'm sorry, Sir... and nice to meet you again" tipid na ngiti ni Cristene rito. Ganon rin ang ginawa ni Prof Henley. Nag-usap pa sila sandali saka kami umalis ng G.O,
Halatang pinalaking sagana itong si Cristene, madali siyang maniwala sa sinasabi ng iba. Napaka inosente. Yan ang mga tumatakbong isipin sa utak ko nang makaalis na kami ng G.O at magtungo sa building namin.
"Seylen pasensya ka na a? Kanina sa office" nahihiya pa nitong anas habang nakatingin sa sahig. Natawa pa ako sa inasta nito.
"Ano ka ba, ayos lang. Hindi ba't friends tayo?" biro ko pa rito at nahiya naman ito.
"Sorry! Kasi... ano... ahh" dipensa pa nito kaya mas natawa ako.
"Baliw okay lang, mukha namang magkakasundo tayo dahil kasing edad mo rin ang mga kapatid ko" anas ko na ikinangiti nito.
"Really? Are they studying here too?" usisa pa nito habang nakangiti. Tango lang ang sinagot ko rito nang makita kong nasa ikatlong palapag na kami. Nagmamadali na rin kasi ako dahil baka mahuli ako sa play namin.
"Oh, dito na ang floor mo... una na ako! Goodluck sa first day mo rito" bati ko saka kumaway.
"Thankyou!! I'm sure I'll be seeing you more often!" ngisi nito saka tuluyang pumasok sa dulong silid. Naglakad naman na ako paakyat pa ng isang floor, doon kasi ang room ko.
Malayo pa lang ay kita ko na kaagad ang kumpulang nagaganap sa dulong room kung saan ang classroom ko, mukhang isa na naman itong confession scene sa hallway. Anak nang, first day of school meron na kaagad nagconfess? Sino namang baliw ang nagkaraon ng love at first sight moment rito?
Habang palapit ang hakbang ko ay siyang pagkapal ng mga estudyante sa paligid ko. Natigilin ako sa paglapit nang makita ko kung sinong pinalilibutan ng mga ito, sa maliit na siwang sa pagitan ng mga naghihiyawang estudyante ay kitang-kita ko ang nakasalampak sa sahig na si Irene, basag ang salamin nitong halos nakayupi na, ang mga chocolates ay nagkalat sa sahig, punit na sobre at malakas na tawanan ng paligid.
Biglang umakyat yung dugo ko papunta sa ulo ko, pakiramdam ko ay sasabog ang dibdib ko dahil sa sobrang lakas ng t***k nito. Hindi ko namalayang nabitawan ko na ang bitbit kong eco-bag at patakbo na akong lumapit sa pwesto ni Irene.
Naramdaman ko ang pagbigat ng kamao ko, mabilis itong dumapo sa mukha ng kupal na hari, si King Agathae Matthew. Sa lakas ng impact ng suntok ko ay halos tumama ang likod nito sa mismong pinto ng classroom namin. Hiyawan ng kababaihan ang nanaig sa paligid. Umayos ako ng tindig saka marahang itinabingi ang ulo ko. Kitang-kita ko ang salubong na kilay ni King. Galit na galit ang mga mata nitong nakatitig sakin. Nakahawak ito sa ilong nitong hindi pa rin tumitigil sa pagdugo.
"Y-You!" sigaw pa nito.
"Wala ka pa ring pinagbago. Senior na tayo pero bulok pa rin yang ugali mo. Kamahalan, mukhang hobby mo talaga manakit ng babae, ah? Bakla ka ba?" ngisi ko na mas ikinasalubong ng kilay nito.
"You f*****g ugly b***h. Do you want to die so badly?" mariing saad ni King saka hinapit ang kwelyo ng uniform ko nang makabalik ito sa balanse. Nagngingit-ngit ang mga ngipin nito sa asar. Kulang na lang ay dakmain niya ang leeg ko. Kita niyo ba yan? Ito ba yung kinakabaliwan niyo? Itong kupal na hari na to? Ugali pa lang nito ay ekis na! Anong kagusto-gusto rito?
"Ilang beses mo na sinabi yan pero buhay pa rin ako" anas ko sa mukha nito, mas lumabas ang mga ugat nito sa maputi nitong balat. Sa puti nito ay madali mong mapapansin ang biglaang pula ng pisngi at tenga nito. Gigil na gigil ito habang nakatitig sakin.
"What the f**k is wrong with you?" mas humigpit ang hablot nito sa kwelyo ko kaya medyo nasakal ako. Pinilit kong tanggalin ang kamay nito saka yon pabatong ihinagis. Kahit lalaki ka pa, hinding-hindi aatras ang kamao ko sayo.
"Ako talaga ang may problema? Really? Tignan mo nga ang ginawa mo sa kaibigan ko!" sigaw ko na mas ikinakunot ng buong mukha nito. Kulang na lang ay murahin ako ng mga mata niya sa sobrang inis nito. Para itong tumititig sa pinata mababang basura sa mundong ibabaw.
"So she's your friend? Kaya pala magkaamoy kayo, you both stink. Tell your friend that I'm not interested in trash" seryoso nitong anas saka dinuro ang noo ko. Sa lamig ng tono nito'y masasabi mong wala talaga itong paki-alam.
"Sumusobra ka--"
Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko nang tumabingi ang ulo ko dahil sa lakas ng pagkakahawi sakin. Napahawak pa ako sa pisngi ko dahil nagmanhid ang mukha ko sa lakas ng sampal na'yon. Nang lumingon ako ay tumambad sakin ang galit na mukha ni Irene. Pulang-pula ang mukha nito.
Bakit?...
"I-Irene..." naguguluhan ko pang tawag rito. Hindi ba't dito siya nagagalit sa kupal na 'to?
"I hate you Seylen!..." sigaw nito saka paalis na tumakbo.
Naiwan akong nakatayo sa gitna nang mga estudyanteng may galit na titig sakin. Para akong nabingi dahil wala man lang akong naririnig kahit ang karamihan sa kanila'y panay ang sigaw. Paulit-ulit na tumatakbo sa utak ko ang imahe ni Irene. Naguguluhan ako.
Ginawa ko yon para sa kanya...
Bakit parang ako pa yung may kasalanan dito? Ano ba sa tingin niya ang mararamdaman ko kapag nakita ko siyang minamaltrato?
This is why I hate beauty privilege. Ako na naman ang mali. Tangina.