"P-Pero di ba po parati kayong magpapalit ng babae? Narinig ko pa nga na hindi kayo umuulit ng babae eh." Kaya bakit ako lang ang titikman niya habang nandito siya?
"You seems to know me well, pet." Ngumisi ito at binitiwan na ang baba ko.
"K-Kasi nga po sikat na sikat kayo sa Valencia, Gov. Mas dinudumog pa nga kayo ng mga tao kesa sa mga mall show ng mga artista sa lugar natin." Hindi ba niya alam na halos araw araw, kahit hindi na siya ang Governor, ay siya ang bukambibig ng nga tao?
"It's because I'm handsome, right?" Tanong nito at parang gusto niya na purihin ko siya.
"Kasi po mabait kayo." Hindi ko sinabi ang gusto niyang marinig.
"Mabait you say?" Ngumisi ito. "Do you still find me good after all the things I did to you?" Sumampa ito sa kama at unti-unting yumuko na para bang hahalikan ako.
"G-Gov, madami pa po akong hindi nabubuksan!" Natataranta kong sabi at kumuha ng paper bag. Agad ko iyong binuksan para kunwari ay abala pa ako. Pero mukhang minamalas ata ako dahil sa dami ng paper bags na nasa kama ay bakit iyong mga underwear pa iyong nakuha ko.
Binilhan ako ni Gov ng mga underwear!
Pero bakit ganito tong mga to? May natatakpan pa ba tong nga to? Tapos may see-through pa at itong mga puro lace na may konting tela lang sa gitna.
"I also bought you some underwear, because the one you're wearing looks like grandma undies." Natatawa nitong sabi.
"G-Grabe ka naman sa grandma undies Gov!" Protesta ko. Tuwang tuwa pa man din ako habang pinipili yun sa brochure ng kapitbahay namin na agent sa isang beauty and personal care products company.
"Then what do you call that boring underwear then?" Tanong nito.
"They are comfortable! Kesa naman dito!" Ipinakita ko sa kanya yung binili nya. "Baka kabagin ako nito kasi hindi matatakpan ng maayos yung—" Natigilan ako dahil hindi ko magawang bigkasin sa harapan niya ang salitang kiffy.
"Yung ano, pet?" He teased.
"B-Basta! Yung dapat nyang takpan!" Irap ko.
Narinig ko itong tumawa ng mahina. "I want you to wear this tonight. May pupuntahan tayo." May kinuha siya mula sa kumpol ng mga panties at nagulat ako sa inabot niya sa akin.
Panty iyon na butas ang gitna.
"Gov, may factory defect ata to. Hindi natahi yung gitna. Ibalik natin para marefund." Sabi ko sa kanya.
Nagulat nalang ako ng biglang tumawa ng malakas si Gov. Hades. Napahiga pa ito sa kama at hawak hawak ang tiyan niya habang tumatawa ng malakas.
Wow, anong nakakatawa sa sinabi ko? Palibhasa madaming pera kaya baliwala lang sa kanya kung may sira yung binili nya.
"That's a crótchless panty, pet." Halos hindi na makahinga nitong sabi kakatawa.
"Hindi po ito sira? Eh bakit may butas?" Tanong ko.
"So that I can fûck you easily whenever I want." Nag-init ang pisngi ko sa sinabi nito. "That's why make sure to wear it later." Bilin niya.
Tuluyan na akong natameme dahil sa sinabi nito. May balak nanaman ito mamayang gabi. Kailangan kong makaisip ng paraan para hindi iyon matuloy.
"By the way, these are the dresses you chose earlier." Inabot sa akin ni Gov ang tatlong paper bags.
Oo nga pala, pinapili niya ako kanina, pero hindi ko napansin iyong mga nakuha ko sa sobrang pagkataranta. Kahit na ganun ay excited pa din ako na buksan ang mga iyon. Sana man lang ay nakatyamba ako ng maganda.
Pero mukhang walang umaayon sa gusto kong mangyari. Nagulat nalang ako na sa halip na nga dresses ay mga costumes ang nakuha ko.
May maid outfit, nurse outfit, nun outfit, at kung ano ano pang costumes.
"Aanhin ko naman ang mga ito eh tapos na ang Halloween?" Hindi ko tuloy maiwasang manghinayang.
"Don't worry, pet. We'll make use of it. All of it." Nakangisi nanaman si Gov.
"San naman natin gagamitin tong mga to Gov?" Hindi ko maiwasang itanong kasi parang may binabalak nanaman ito.
"You'll see." Pasuspense nito. Baka mamaya hindi ako makatulog kakaisip kung anong gagawin nya sa akin.
Pero pagkatapos nun ay hindi na niya ako kinulit pa at natulog ito. Hindi ko tuloy maiwasan na isipin na nag-iipon na ito ng lakas para sa plano niya mamaya.
At tulad nga sa sinabi niya, kinagabihan ay pinagbihis niya ako dahil may pupuntahan kami. Hindi ko alam kung saan kami pupunta, pero sinoot ko iyong isa sa mga itim na dress na binili ni Gov. para magmukhang terno sa suot nitong suit.
Ang gwapo talaga ni Gov. Hades. Kaya nababaliw sa kanya si senyora Olivia eh. Nasa kanya na nakawala pa.
"G-Gov!" Napasinghap ako ng ipasok ni Gov ang kamay niya sa slit ng dress ko at dumiretso sa suot kong underwear.
"Just making sure you're wearing the right underwear." Anas nito.
"S-Suot ko na." Tinapik ko ang kamay nito para alisin niya sa loob ng suot ko. "By the way Gov, pwede po ba akong magsuot ng mask tulad ng sayo?" Tanong ko sa kanya.
"Why?" Tanong nito.
"Pano po pagnakita nanaman natin yung dalawang matanda na nagpainom sa akin ng aphrodisiac kagabi? Para po makakilos ako ng maayos. Please, Gov?" Sinadya kong lagyan ng paglalambing ang boses ko, nagbabakasakali na pumayag ito.
"That makes sense." Tuwang tuwa ako ng tumawag ng steward si Gov. Hades at ilang minuto lang ay may dala-dala na itong mga maskara pang babae.
Sinuot ko kaagad yung isang kulay itim na bumagay sa suot kong dress.
"I'm ready, Go— I mean master." Pagbabago ko kaagad dahil nariyan pa ang steward.
"Then let's go." Inilahad nito sa akin ang braso niya, kaya naman agad kong inakap iyon, at sabay kaming lumabas ng kwarto.
Hindi niya sinasabi kung saan kami pupunta, pero nang marating na namin ang lugar na gusto nyang puntahan ay sa casino lang pala.
Napakaraming tao. Ang gulo, at ang ingay. Wala na ba silang magawa sa mga pera nila kaya sinasayang nalang nila sa ganitong lugar?
Pumasok kami sa loob, at hindi ko alam kung anong uri ng kamalasan ba ito pero kitang kita ko kaagad iyong dalawang matanda. Hindi ba naghihiwalay tong dalawang to? Buti nalang talaga at nagsuot ako ng maskara. Hindi naman talaga sila ang dahilan kung bakit ko kinumbinsi si Gov na pasuotin din ako ng maskara eh. Ginamit ko lang silang dahilan para magawa ang misyon ko.
Dahil nangako ako kay senyora Olivia na magpapadala ulit ng picture mamaya ay naisip kong magsuhol sa mga crew ng cruise na kuhanan kami ng litrato ni Gov. Hades na nagkasama. Hindi naman siguro mapapansin ni senyora na ako ang kasama ng dati nyang asawa di ba?
"Come here." Nagulat ako ng bigla akong hilahin ni Gov. Hades papalapit sa kinaroroonan ng dalawang matandang lalaki.
"M-Master, sandali!" Kabado kong sabi, pero hindi ko siya napigilan sa gusto niyang gawin.
Umupo siya sa kinaroroonan ng dalawang lalaki na naglalaro ng poker, at ikinandong pa niya ako sa kanya.