CHAPTER 8: PET COLLAR

1223 Words
"I don't need your permission for that, because you are my pet whether you like it or not." Sagot nito sa akin. Hindi na mahalaga kung ano ang tingin nya sa akin. Ang importante ay nasa malapit ako rito para mabantayan ko ang bawat kilos niya at makapagpadala ng pictures kay senyora Olivia. Hindi ako pwedeng pumalya dahil nangako na ako rito. "Get ready, we're going out." Tumayo si Gov. at naglakad papuntang banyo. "S-Saan po tayo pupunta?" Patakbong sumunod ako rito. "Shopping. Why? Do you prefer to stay here and get fûck by me the whole day?" Lumingon ito. Agad ko namang sinagot ng paulit-ulit na pag-iling si Gov. Hades. Kapag inulit pa namin ang mga ginawa namin kagabi at kanina ay baka hindi na talaga ako makalakad pa. Bibili ba siya ng mga damit niya? Bakit kailangan niya akong isama? Sayang naman. Kung aalis sana ito na mag-isa ay pwede ko siyang palihim na sundan at kunan ng litrato para isend kay senyora Olivia. Hinintay ko itong matapos maligo. In fairness kay Gov. Napakabango niya lalo. Iyon ang isa sa mga napansin ko kagabi habang kaulayaw ito. Ang bango niya, lalong lalo na ngayon na bagong ligo ito. Bago kami lumabas ay sinuot nanaman nito ang maskarang suot niya noong binili niya ako sa subastahan. Marahil ay ayaw nitong may makakilala sa kanya na taga Valencia rin. Paano ay ibang iba naman kasi ang pagkakakilala sa kanya ng mga tao doon. Yes everyone knows he's a womanizer, pero walang nakakaalam na nagpupunta siya sa ganitong klaseng lugar, at para itong isang halimaw sa kama. Nang sumakay kami sa elevator ay pinindot niya ang number 6 button kaya pasimple kong tiningnan ang mapa na nakapaskil sa loob ng elevator. Halos lumuwa ang mga mata ko ng makitang malls, cafes, and indoor garden ang mga pwedeng makita sa 6th Deck. Oh my god, may malls sa loob ng cruise? Nang makarating na nga kami sa 6th Deck ay namangha ako sa nakita. Totoo ngang may mall! At napansin kong hindi lang si Gov. Hades ang nakasuot ng maskara, marami rin atang mga nagpupunta dito sa cruise na ayaw pakilala. Pansin kong may mga kasama ding babae ang ilan sa mga lalaking nandun, kaya hindi ko mapigilang isipin kung katulad ko din ba sila. "G-Gov," Sa sobrang curious ko ay gusto kong itanong kay Gov. Hades. "Master." Nilingon ako nito. "Po?" Nagtatakang tanong ko. "When we're outside, call me master and not Governor. And never mention my name." Bilin nito. "Yes po, Gov. I-I mean—m-master?" Medyo weird. Parang isang role play. "Better. Now what is it, pet?" Tanong nito. "Kapareho rin ba natin sila?" Itinuro ko yung naglalakad na lalaking nakasuot din ng maskara at sinusundan ng isang babae. "Yes. But that woman is wearing a pet collar," Pagkasabi ni Gov. nun ay tiningnan ko ulit ang babae at oo nga may suot itong pet collar. "Ano pong ibig sabihin nun Go—I mean, master?" Tanong ko. "It means that woman is being rented out. May mga babae dito na pwedeng rentahan to do your bidding while you stay at the cruise. They are called pets. Then vice versa." May itinuro si Gov. Hades, at nang tingnan ko, isang babaeng sinusundan ng isang gwapong lalaki ang itinuro ni Gov, iyon nga lang this time ang lalaki ang syang nakasuot ng pet collar. "You can also acquire pets by buying them, tulad sa subasta, at business or goods trade." Paliwanag ni Gov. Hades at nag-umpisa na ulit itong maglakad. "Hindi po ba bawal yun, master?" This is human trafficking. "It is, that's why all secrets remain on the ship. Lahat ng mga parokyano rito tikom ang mga bibig sa lahat ng mga nangyayari rito sa loob." Sagot ni Gov. "That's why I told you it's a haven of sin." Ulit nito sa sinabi dati. Pero sandali, kung ang mga pet na nirentahan dito ay hanggang sa matapos lang ang stay ng isang guest, paano naman ang tulad kong binili? "M-Master, kapag po ba natapos na ang stay mo rito sa cruise at uuwi ka na, pwede na din po ba akong umuwi?" Pahabol kong tanong. "I bought you, pet. What do you think that means?" Sagot nito. "P-Pero," "You're mine. You belong to me for the rest of your life, or until I say so." Natigilan ako sa sinabi ni Gov. Hades. Ibig sabihin, hindi na ako makakauwi sa amin? "M-Master, what if mabayaran ko yung nagastos mo sa akin?" Paghabol ko rito. "Where on earth are you going to get 70 million?" Balik nito sa akin na tuluyan ng nagpatameme sa akin. Kung si senyora nga malabo kong mabayaran sa gagastusin nito sa operasyon at gamutan ni tita Betina, itong pera pa kaya na nagastos ni Gov. sa akin ng bilhin nga ako sa subastahan. Unti-unti ko nang naiintindihan ang kalakaran sa Tempted Cruise. Pumasok kami sa isang shop. Dahil sa mga nalaman ko ay wala na ako sa mood para sundan si Gov. para sa pamimili niya ng mga damit nya. Hindi mawala sa isip ko ang sinabi nito na pagmamay-ari na niya ako habang buhay. "Try this on." Nagulat nalang ako ng abutan ako ni Gov. ng isang dress. "Po?" Gulat kong sagot. "Try it on." Ulit ni Gov. At dahil nahihiya ako na may sales lady na lumapit sa amin ay pumasok na ako sa fitting room. Napaka-iksi at hapit sa katawan ko ang damit na pinapasukat ni Gov. sa akin. At ang nakakahiya pa, sa sobrang baba ng colar nito ay kitang kita ang mga pulang marka na iniwan nito sa dibdib ko. Pero parang wala lang iyon sa sales lady at mukhang sanay na ito sa ganoong tagpo. "Go and get whatever dress you want." Utos ni Gov. sa akin. "Po?" "You only have a few clothes with you, and not even one is decent enough to be worn at parties and other events." Sagot ni Gov. "N-Nakakahiya naman po." Mas lalong lalaki ang utang ko ito kapag ginawa ko ang gusto nya. Tulad nalang nitong suot ko, halos matumba ako sa loob ng fitting room ng makita ko ang presyo ng damit na to. Nasa 15k lang naman ang damit na to kahit sobrang simple. But he dismissed my concern at nagpatuloy lang ito sa pag-abot ng mga napili niyang damit para sa akin sa sales lady. Hindi talaga ako makapili dahil sa sobrang mahal ng mga damit rito. Wala bang ukay-ukay rito sa Tempted Cruise, tutal mukhang andito naman na lahat. Nang makita ko si Gov. Hades at ang sales lady na magkatabi ay naalala ko ang pinangako ko kay senyora kanina. Agad kong kinuha ang cellphone ko at pasimple silang kinuhanan ng pictures. Buti nalang at nakunan ko ng picture si Gov. Hades na hawak ang damit pambabae kaya tamang tama iyon para ipakita kay senyora. Sakto namang hindi nakikita sa picture ang mukha ng sales lady, pero sapat para isipin ni senyora na magkasama ang mga ito. Buti nalang at may internet connection pa din kaya nagawa kong isend kay senyora ang mga larawang ipinangako ko sa kanya. Pero mukhang hawak-hawak ata ni senyora ang cellphone niya dahil wala pang limang minuto ay tumatawag na ito. Nataranta ako dahil paano ko sasagutin ang tawag niya gayong nasa malapit lang si Gov. Hades?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD