Secret . . It was a long flight, at gabi na ng makarating ako sa Italya. Napagod ako sa mahabang biyahe. My phone is lowbat and I'm sure nagwawala na siguro si Logan ngayon dahil hindi niya ako makontak. Si Carmela agad ang nakita ko sa waiting area. Nabaliw pa ako dahil may pa bulaklak pa ang bruha! . "Welcome home best friend!" sabay bigay niya sa bouquet na bulaklak. . Ang inggay lang din niya. Halos lahat nakatingin na sa aming dalawa ngayon. Napataas pa ang kilay ko nang tinitigan siya. Sa laki ba naman ng bulaklak na binili niya ay hindi ko na 'to kinuha sa kanya. . "The hell! Ano bang nakain mo?" Nauna na akong naglakad sa kanya. "Ayaw mo? Akin na lang kaya 'to." . Napahinto agad ako at nilingon siya. Panay naman ang ngiti sa mukha ni Carmela. Nabaliw na 'ata ang bru

