Chapter 2. Sexy Thing

1113 Words
Sexy Thing . . Bumukas ang malaking gate namin at umilaw ang bawat lamp na nadadaan ng sasakyan. I sighed heavily when I saw the whole mansion area. Malapalasyo ang mansion namin at naalala ko lang ang estado ko sa mundo. Ngayon ko lang napagmasdan ito ng ganito sa gabi. Maliwang ang boung paligid at puno ito ng ilaw. Naging parang palasyo tuloy ito ni Cinderella. . Huminto ang sasakyan at may nagbukas sa pinto ko. . "How's the bar hopping, girls?" si Drake, ang kuya ni Carmela. . Mariin niya akong tinitigan. Nagtatanong nga siya kay Carmela, pero sa akin naman nakatitig ang mga mata niya. . Drake Lucas Del Fiore. Matangkad, gwapo ang pisikal na anyo at lalaking lalaki talaga. Apat na taon lang naman ang agwat namin sa isa't-isa. Pinagkakatiwalaan siya ni Papa sa negosyo namin. Girls chased him but he doesn't show any interest in anyone of them. Mahilig lang siyang mang asar sa'min ni Carmela. . "Kuya, kung gusto mo si Venette bilisan mo naman ang diskarte mo baka maunahan ka pa ng iba!" si Carmela sa kuya niya. "Shh. . . shut up!" pasimpli niyang hinila si Carmela sa tagiliran niya. "Kamuntik pa 'yang ma rape ni Bruno kanina," ngiwi ni Carmela kay Drake at gumuhit agad ang galit na mukha nito. . Hindi ko na sila pinansin at nauna na akong naglakad papasok sa loob. Narinig ko pa ang malutong na mura ni Drake at mabilis na inutusan ang katabing body guard niya. . "See you tomorrow best friend!" sigaw ni Carmela sa akin. . Nilingon ko na siya, at ngumiti na ako sa kanya. Wala na sa tabi niya si Drake at wala na rin ang sasakyan nito. Ang bilis din naman niyang nawala. What is he up to? I shook my head. Kilalang kilala ko na si Drake at alam kong matagal na niya akong gusto. At alam ko kung anong ginagawa niya sa mga lalaking binabastos ako. . Hindi na ako magtataka kung bukas wala ng ulo na si Bruno. Good for him. He deserved to be punish! . "Good evening, Señorita Venette," si Teodoro, ang family butler namin. . Matagal na sa amin si Teodoro, simula pa 'ata noong bata pa ako. With his well-polished mannerisms and clipped speech you will be amazed by him. He's like a father to me, para na rin siyang kapatid ni Papa.  . "Si Papa?" "Nasa library studio niya, señorita," sabay lahad nag kamay niya. . Binigay ko na sa kanya ang woollen coat ko na suot. I looked at him seriously ang my brows lifted. Ngayon ko lang napansin, na matanda na pala si Teodoro. Hindi ba siya nagsasawang pagsilbihan ang Papa ko? . "Do you want to take a leave or a vacation in Spain, Teodor? Ako na ang bahalang magpapaalam kay Papa para sa'yo," ngiti ko. . Taga Espanya kasi siya, at hindi ko lang alam kung anong taon ang huling bisita niya sa pamilya niya roon. I know he's not married to any woman and he doesn't have any kids too. Alam kong anak na ang turing niya sa akin ngayon at pamilya na ang turing namin sa kanya ni Papa. . "Señorita, I don't want your sympathy. I have my family here already and that covers you and my Master," pormal na tugon niya. "Is that so? What about a girlfriend? Do you have one?" ngiti ko. Umiling iling lang din siyang ngumiti at hindi na ako pinansin. "Your Papa is waiting for you, seyorita," ngiti niya. "Grazie, Teodoro," paumanhin ko. (thank you) . Mabilis naman akong naglakad papunta sa library studio ni Papa. Napahinto akong saglit at mariin na tinitigan ang bawat paintings sa hallway namin. Kitang kita ko pa ang napakagandang painting ng mukha ni Mama. Ang ganda niya, sobra, sayang nga lang at hindi ko siya nakasaman ng matagal. Maaga kasi siyang nawala. . Mahilig si Papa sa mga vintage painting collections. He even bought some of them from world wide auctions, and the price? Millions... . Sa 'di kalayuan ay kitang kita ko ang malaking pinto ng libray niya. A vintage architect with a black hard wood door. Nakaukit pa ang malalaking dragon sa bawat pinto nito. I find it weird at first, pero kalaunan ay nagandahan na rin ako. . Mariin akong kumatok bago pumasok sa loob. Kitang kita ko naman si Papa na nakatalikod at nakatingin sa malaking bintana rito. . "Papa," masigla kong bati. "Venette Grace, hija," on his raspy baritone voice. . I hugged him so tight. Mahal ko ang Papa ko at sa kanya na umiikot ang mundo ko. Simula nang mawala si Mama ay siya na ang naging ilaw ng tahanan ko. I love him dearly. I know he's very tough and stubborn, but deep inside he's very kind. . "I heard what Bruno did to you," panimula niya. Ano pa nga ba ang hindi niya malalaman? Ama ko nga naman siya. "Si Drake ba ang nagsabi sa'yo Papa?" Umiling iling siya. "No, not Drake," he winked on me. . Maliban sa mga body guards ko ay hindi ko alam kong mayroong iba pa bang nakabantay sa akin ngayon. Hindi na ako magre-reklamo. . "Pa, can I go the Philippines?" . Natahimik siya ng iilang segundo. I really want to go the Philippines, to meet mom's relative sides. Kahit papaano ay gusto ko rin silang makilala. Matagal tagal na rin na nakapagbakasyon kami sa Pinas. Halos hindi ko na nga maalala iyon. . "Not this time, Venette. Magulo pa, hija." "Sige na Papa, please. . ." pa-cute ko kahit hindi naman ako cute. . Ang alam ko may bahay kami sa palawan. Malapit lang 'yun sa Rampage Island. Naalala ko kasi na roon nagtungo si Papa noong huli naming bakasyon sa Pinas. Hinawakan naman niyaang kamay ko. . "Hija, I want you to keep this," sabay bigay niya sa isang maliit na box. Nagtaka naman ako ngayon. Nakakunot pa ang noo kong nakatitig sa kanya. "What's this?" . Nang buksan ko 'to ay may laman itong tatlong klase ng susi. Ang vintage pa ng pagkakagawa ng mga susing 'to. . "Keep them safe hija. One day malalaman mo rin kung para saan yan," tipik niya sa balikat ko. "Papa. . . " sabay yakap ko sa likod niya. "Kilala mo ba ang lalaki sumagip sa'yo kay Bruno?" . Tumitig na si Papa sa akin at seryoso ito. Napangiti na ako. Ang totoo, hindi ko siya kilala at wala akong ideya kung sino siya. Napailing lang ako sa kanya. . "No. I don't know him Papa, but what he did back there was a sexy thing," ngiti ko. . . C.M. LOUDEN/Vbomshell
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD