"I'M GLAD at nakapunta ka pa." Halos paismid na bungad sakanya ng Ama. Napailing na lamang siya at inabot ang palad nito upang mag-mano. Naririto sila sa isang sikat na coffee shop. Tinawagan kasi siya ng Ama dahil may sasabihin daw itong importante sakanya. "I'm sorry, Papa. Masyado lang ako naging busy sa Hotel." Nasabi na lamang niya at tinawag ang waiter upang kunin ang order nilang dalawa. "Two black coffee, please." Nang makaalis ang waiter, itinukod nito ang dalawang siko sa mesa at mataman siyang tinignan. "Niccolo, where's your damn brain? How many times did i tell you that Jayden is an enemy. Bare that in your mind." Mariing wika ng Ama Nagsimulang mamuo ang pawis niya sa noo at lumikot ang mga mata. "Pero, Pa--" Iwinagayway nito ang kamay. "Ahh-- wala akong pakialam sa sasab

