MAAGA pa lang, gayak na ang mag-asawa upang mamasyal. Ayon kay Jayden, mas magandang maaga pa lamang ay bumili na sila ng gamit para sa bata at sa kakailanganin nila. While Denise could almost feel her cheeks burn because of the uneasiness with Jayden's sweetness. Ni sa hinagap niya, hindi niya aakalain na mapapaamo niya ito. Ang Jayden Aran na laging nafefeature sa magazine. Ang Jayden Aran na inaakala ng lahat na womanizer at playboy. Sabagay, natural na lamang sa ibang tao ang magkomento ng hindi maganda sa kapwa. Ah -- wala ng susuwerte pa sakanya. Tama ang Papa niya. Kung hindi niya sinunod ang payo nito na pakasalan ang huli, walang Amang kikilalanin ang anak niya, masisira ang buhay niya at mapapariwara siya. Tulad ng mga babaeng nababasa niya sa pocketbooks at ang walang katapusan

