"BABY, were here." Isang baritonong boses ang nagpagising sa natutulog na diwa niya. Namumungay na iminulat niya ang mata. Hindi niya namalayan na nakatulog pala ulit siya pagkababa nila ng eroplano. "Nasaan na tayo?" Paos na tanong niya "Sa bahay natin." Maikling tugon nito Napakunot noo siya. "Our home? What do you mean?" Nagugulumihanang tanong niya Nagpakawala ito ng hininga bago tumingin sakanya. "As you see, Denise. I also bought a new home for us here in Australia, para incase kung gusto natin magbakasyon." Balewalang sabi nito Napatanga siya rito. How could he spent money dahil lang sa kadahilanang iyon? "Gumastos ka ng pagkalaki-laking pera para rito? Really Jayden, you're wasting money." Hindi niya naitago ang iritasyon sa tinig niya. Para sakanya, masyadong pagiging gastador

