MULA sa sinag ng araw na nagmumula sa labas ng bintana ay nagising siya. Unti unting dinilat ang mata. Kisame palang, alam na niyang hindi kanya. At bilang ebidensya roon, ang lalaking nakayakap sakanya na walang saplot sa katawan. Hindi na siya magpapakainggrata. Hindi siya tulad ng mga babae na nababasa niya sa pocketbooks na titili at iiyak pa. Ginusto niya ito. There was no time to cry and to self-pity. Well, life is full of suprise. Expectations are s**t. Somehow, people needs to face the reality.
And that's life, kapag umiyak ba siya mababalik niya ba ang virginity niya, hindi naman diba? So what's use of crying? Hindi naman siya mamamatay dahil sa ginawa niyang ito. And yes dahil sa nangyari, bahagyang naibsan ang pagiisip niya sa hinayupak niyang ex-boyfriend. Kahit papano'y naramdaman niya na babaeng-babae siya and she feel loved for the very first time. It's worth it.
Bago pa siya makapagisip ng kung anu-ano ay bumangon na siya nang dahan dahan. Without waking him up. Mahirap na at baka mapikot pa. Natawa siya sa sariling naisip, hindi ba't babae ang namimikot? She successfully remove his arms from her naked upper body. Ang sinunod naman niya ay ang mabigat na binti nito na nakadagan sa hita niya. She groaned in frustration. What's with this man? Mukhang mabubulilyaso pa ang plano niya.
Inis man, sinubukan niya iyong alisin. Ingat na ingat siya habang ginagawa iyon dahil baka magising ito. Pakiramdam niya cast siya sa isang Action Film na labis ang kaba na baka magising ang kontrabida. But in her case, iba naman. Tagatak na ang pawis niya sa noo nang matanggal niya na ang hita na nakapulupot sakanya.
Tinignan niya ang lalaki, kung may nabago ba sa itsura nito o posisyon. Humihilik pa rin at tulog na tulog. Hinanap niya ang underwear niya, at napatuptop siya sa noo ng matandaan na sinira nga pala nito iyon. Inis na inis siya. Pero wala ng oras para sa pagsisintir, baka ilang minuto na lang ay magising na rin ito. Nagmamadaling hinanap niya ang bra niya at sinuot iyon. Ang dress niya na nakakalat pa sa sahig. Kinalkal niya ang drawer nito at naghanap ng suklay. Saglit na sinuklayan niya ang buhok. Mabilis pa alas kuwatro na sinuot ang sapatos at kinuha ang bag. Binuksan niya na ang pintuan nang bago niya ito nilingon. "Goodbye, Jayden. Sana ito na ang huli nating pagkikita." Aniya sa himbing at walang malay na lalaki.
"LAUREN..."
"Yes, Jayden? Come and get me." Mapangakit na sabi nito.
Ngumisi siya. "Co--"
Napadilat siya nang marinig ang malakas na tunog ng cellphone. Inis na napaungol siya. Kinapa niya sa tabi ang dalaga. Pero wala siyang nakapa. Panic came to him. Tinignan niya ang ilalim ng kumot. The woman is gone.
Agad siyang napatayo. "Lauren? Lauren!" Sigaw niya sa pangalan ng babae. Inisip niyang pumunta itong comfort room kaya walang sabi sabing binuksan niya iyon, at ni anino nito hindi niya makita!
Damn. Galit na lumabas siya ng comfort room at hinanap ang mga gamit nito. And to his dismay, wala na ni isa sa mga gamit nito. What the heck! Napatingin siya sa relo. Mag aalas dose na. Galit na naibato niya ang unan sa sobrang frustration. Malinaw kagabi na sinabi niya na maguusap sila pagkatapos, ano ito ngayon? Bakit umalis ito ng walang paalam? s**t!
Nagmamadaling sinuot niya ang polo habang naglalakad. Tinungo niya ang elevator. Pagkababa hindi na nagaksaya ng oras, tinungo niya ang receptionist sa lobby. "Where's Lauren?! The woman I'm with yesterday."
Halatang natakot sakanya ang babae. "Ahm, Sir... kanina pa po siya umalis. Around 8am,"
"Holy shit." Galit na pinukpok niya ang front desk sa inis. This cannot be. Kailangan niyang makausap ang babae. No matter what it takes, kailangan niya makita, and claim what is his.
Sa nandidilim na paningin, dare daretso lumabas siya sa gusali at hinanap ang sasakyan sa park. Pero bago iyon, tumunog nanaman ang cellphone niya. This time, he picked it up nang hindi man lang tinitignan ang caller niyon. "What do you want?!" Galit na bungad niya sa kausap.
"Jayden, why are you yelling at me?" Tila binuhusan siya ng malamig na yelo pagkarinig sa boses na iyon.
"Ah, I-i'm sorry Tito. Stress lang kasi ako sa trabaho" pagpapalusot niya. He heard him laugh, "It's okay iho. Gusto lang sana kitang kamustahin,"
Tumikhim siya. "I'm fine, Tito." Not, literally.
"That's good!"
"How about you?" Balik tanong niya rito. "I'm not fine, Jayden. As you see, my daughter is giving me a headache. She don't want to spend a vacation with me." Malungkot na balita nito. Sa tinagal tagal nilang naging magkaibigan, hindi na lingid sa kaalaman niya ang problema nito sa anak.
Sa kuwento nito, malaki ang hinampo rito ng nagiisang anak. Because the old man has no time for his daughter. Lumayas ang dalaga at naging independent. Kaya tuwing nakukuwento nito ang anak ay naiinis siya rito, bakit hindi? Napakasuwerte nito't nagkaroon ito ng masipag at ulirang Ama, na tinitikis kahit wala itong oras para sa anak maibigay lang ang buhay na inaasam para rito.Tapos ito pa ang ganang magtampo? The lady is brat.
"Oh, narito na ho pala ang anak niyo."
"Uh... yes. My people spotted her in Airport last week,"
"So she's back." He said plainly. "Yes well, i just wanted to say na ilang araw din siguro akong mawawala. I just want to spend time with my daughter you know, babawi sa lost times."
Bahagya siyang nakaramdam ng inggit. Mukhang nahalata naman ng kabilang linya ang pagkatahimik niya. "Jayden, iho! You are very much welcome in our rest house. You can take your vacation there too. And ofcourse, gusto kong makilala mo ang nag-iisa kong anak. Lagi kitang nakuwekwento sakanya. I think it's now the right time na magkakilala kayo."
Natuwa siya sa alok nito, para na kasing tatay ang turing niya rito. "Okay, Tito. Thank you." Masayang aniya
"No problem, Jayden." Sabi nito at binaba na ang tawag. Napangiti siya, not bad. Siguro pagkatapos nalang ng bakasyon niya kila Mr. McBride niya hahanapin si Lauren, mabuti na rin ito, para makilala niya ang maldita at spoiled brat na anak ni Mr. McBride.
PAGKAUWI niya sa Condo niya, nagulat siya nang may mabungarang tao sa loob ng unit niya. Exaggerated na napahawak siya sa bibig, dahil walang iba kundi ang Ama niyang si Andrew McBride ang kaharap niya at nakahalukipkip na nakatingin sakanya. "Where have you been, Denise? I've been waiting you for so long!" Matigas na anyo na sigaw nito
Agad niyang naitirik ang mga mata. "How do you know that i'm here, Pa?" Hindi niya sinagot ang tanong nito. "I have resources, Denise. Now tell me, where have you been? Kagabi pa ako rito, at hindi ka umuwi! Gawain ba ng matinong babae 'yan ha?" Galit na sita nito
Napaghinga na lang siya. Hindi talaga sila magsundo nitong Ama, paano lagi na lamang mga kamalian niya ang nakikita nito. Wala na itong nakitang mabuti sakanya. "So what's with you kahit hindi ako umuwi? Are you concerned Dad? Oh, come on. Cut the drama." Maarteng tinirik niya ang mga mata
Hinaklit nito ang braso niya. "Look at yourself, Denise. You look like a w***e b***h. Are you taking drugs? This is what you get for not listening to me. I told you Tyler is not good for you see, what happened. He's not the man for you anak..." Sabi nito na tila naaawa sa itsura niya
Inis na binawi niya ang braso. "Oh, sorry if i don't please you with my looks. Unang una palang, ayaw mo na talaga kay Tyler. Alam mo bang 'yung kami pa, lagi kami nagaaway dahil ayaw mo sakanya? Hanggang kailan niyo ba mamanduhan ang buhay ko? Ang pilitin ako na pamahalaan ang kompanya natin?" Hindi na niya mapigilan ang hindi mag labas ng saloobin.
Nakita niyang napailing ito. "I'm your Dad. I know what is the best for you, anak. Papunta ka palang, pabalik na ako. You should've listened to my warning, he's not good for you. And yes, you need to start managing our company." Sabi nito
She groaned in frustration. Wala talaga silang hindi pinagtalunan ng Ama sa bawat paguusap nila. "I don't want your company, Dad." Pilit nagpapakahinahon na sabi niya
Malalim itong napabuntong hininga at napaupo sa sala niya. "Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa'yong bata ka. Lahat nalang ng sinasabi ko, may kontra ka. Mabuti pa si Jayden, maasahan sa kompanya. Napakabait na bata," sabi nito na tila hindi iniintindi kung masasaktan ba siya.
Bumalatay ang sakit sa mukha niya. Damn that asshole, kung sino man ito. At kapangalan pa talaga nito si Jayden Aran huh? Buong buhay niya, wala nang ginawa ang Ama niya kundi ipamukha sakanya na wala siyang silbing anak. At si Jayden napakatalino, mabait, maasahan at marami pang iba. Sawang sawa na siya. To hell with that moron, he took the attention na dapat ay nasakanya.
Nagpoker face siya. She know too damn well na bata palang siya, pangarap na ng Ama na magkaroon ng anak na lalaki upang may magmana sa apelyido nito. Pero dahil may sakit sa matris ang Ina, hindi na siya kayang sundan pa. "Sorry Dad, but im not Jayden." Pinutol na niya ang anumang pagdedelusyon nito.
"Oh, yeah. I know that, Denise. Anyway, I'll pick you up here tommorow. Morning. Be ready okay? We're going somewhere,"
Tumanggi agad siya. No way! "Ah, Papa. I have something important to do—" He cut her off. "You'll do whatever I say, or, I'll cut all your ATM cards. You're here now in Philippines and i know that you don't have enough money." Mabilis na lumabas ang Ama sa pintuan. Sa inis, naibato niya sa kawalan ang throw pillow. Damn her Dad! Damn that asshole Jayden!