BOOK 3 (TOS - 6)

1687 Words

Sa buong araw na magkasama sila ni Rufus, umaakto silang walang kaugnayan sa isa’t-isa, pero kapag nagtatama ang mga mata nila, lihim iyong nag-uusap at nagkakangitian. Paglabas niya ng bangko, tapos na rin ang duty ni Rufus. Wala na ito sa pwesto. Or so she thought. Isang block na ang nilakbay ng sasakyan niya nang may umagapay na motorsiklo sa kanya. Hindi na niya kailangan hulaan kung sino. “Rufus.” Sumenyas ito. Tatlong beses na pag-blink ng ilaw at nakuha na niya kaagad ang ibig sabihin. Pinasusunod siya sa kung saan man gusto. Lumiko iyon sa isang kanto. Sa direksyon ng kinaroroonan ng bahay nito sa Pamplona. Sinulyapan niya ang oras sa wristwatch. Mag-aalas sais na. Thinking of the hour, naiisip niya kung anong oras na naman siyang makakalabas mula sa bahay nito kapag pinagbigyan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD