Pagdating niya sa opisina kinabukasan, ang phone kaagad ang inatupag niya. Wala pa ring Rufus na nahagilap niya. Nag-alala na siya. Apektado na ang trabaho niya. It was four in the afternoon when she finally heard from him. Gusto niyang magtampo rito pero naunahan siya ng pananabik na marinig ang boses nito. “Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko ha?” Bakit ito pa ang tunog na nagtatampo? “Rufus naman, dito na nga lang tayo nagkakausap.” Sinikap niyang gawing malumanay ang boses. Panay rin ang tingin niya sa pintuan at baka may pumasok. “Tawag ako nang tawag kahapon, hindi kita makontak.” She could feel his frustrations. Ngayong malayo sila sa isa't-isa, naaaburido ito kapag hindi sila nagkakausap sa mga takdang oras na dapat ay nag-uusap sila. “I was busy yesterday.” Napatay

