Elizabeth was the last person she thought of seeing right at Rufus’ place. Sinilip nito ang loob ng nakasaradong gate. Lumingon ito sa ngayon at sinimulan nang i-demolish na shop ni Ernie. Tubili nitong itinulak ang ngayo’y napinturahan ng gate. Bumukas iyon. Nakita niyang humugot ng malalim na hininga si Elizabeth. She rubbed her palms at the side of her pants and decided to step inside. ‘Ano ang ginagawa niya rito?’ Kumabog lalo ang dibdib niya. May nabubuong mga posibilidad sa utak. “Kuya,” lingon niya sa may-edad ng driver. “Hintayin mo lang ako, plese, kahit paandarin mo pa rin ang metro. Magbabayad ho kayo kahit magkano.” Lumabas siya ng taxi nang masigurong nakapasok na sa loob si Elizabeth. The woman seemed to know her way inside. Ibig sabihin, hindi ito ang unang beses na naka

