Lumipas ang weekend na napunan ng tuwa ang puso ni Bettina. Masasabi niya, it was the best weekend in a long time. Kahapon, dumating pa ang mama sa bahay at nagdala ng maraming prutas mula sa farm sa Batangas. Kahit paano, civil naman ang mama sa kanya. Gaya noong nakalipas na dalawang araw, mas nauuna pa si Francis sa kusina kesa sa kanya at naghahanda ito ng agahan nila. "Ako dapat gumagawa niyan.” "Wala 'to. Maaga kasi akong nagising, so I decided to cook for us. Halina ka, dulog na sa mesa.” Katulong si Belen, naghain ito ng agahan. Bilang contribution, siya naman ang nagtimpla ng kape para kay Francis. Habang hinahalo ang inumin, napapangiti siya ng lihim. Antagal na ng huli niyang gawin ito pero kuhang-kuha niya pa rin ang timpla. May mga bagay talaga na hindi madaling nakakalim

