BOOK 3 (TOS -20)

1094 Words

Sa loob ng nakalipas na linggo, naging subsuban siya sa trabaho at sa paghahanda para sa graduation ni Noah. Simpleng dinner lang ang gusto ni Noah pero iba ang plano ng mama. Sa isang restaurant sa Makati ang celebration nito. Sa mga ganitong okasyon, hindi nawawala ang presensya nina May at Claudette at ang pami-pamilya ng mga ito. Ni isa man sa pamilya ni sa Ilocos ay hindi nakaluwas. May sakit daw ang daddy at ang mga kapatid ay may kanya-kanyang pinagkakaabalahan. “I’m glad you could make it, Clau.” Sa lahat ng dumalo ay ito ang personal niyang sinalubong sa pintuan pa lang ng VIP room. Kasa-kasama nito ang dalagita nitong si Erica. “Why would I miss this occasion?” Humalik ito sa pisngi niya, pero ewan, ramdam niyang may kakaibang asik ang ngiti nito nang tuluyang maghiwalay ang mg

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD