"Hindi ka ba muna dadaan sa opisina mo? Kailangan daw ni Andrew yan eh." Tanong ko nang nilagpasan lang namin ang building niya. "No need, baby." sagot niya naman sabay pisil sa aking kaliwang hita. Dumiretso kami sa kompanya ko at sabay na pumasok. I plastered a big big smile nang pinagtitinginan kami ng mga tao sa lobby pa lang. "Good afternoon, ma'am." "Good afternoon, sir." bati sa amin ng ilang empledyadong nakakasalubong na empleyado. "Good afternoon." bati ko sa kanila pabalik. Tila nagugulat pa sila sa pagbati ko na nakangiti. "You should smile more often, baby." biglang saad ni Lucas habang nasa elevator kami. Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. "Nakangiti naman ako palagi ah." sikmat ko. Mahina siyang natawa at mas lumapit pa sa akin. "Nope. Ang sungit mo kaya kapa

