“Wag mo namang ipressure ang asawa ko, Mara!” sikmat ni Lucas nang mapansing hindi ako komportable sa tanong. Napalunok ako at napaiwas ng tingin dahil biglang naningkit ang mga mata ni Mara. “Umamin nga kayo. Totoo iyong chismis no?” nanghihinala ang boses niyang tanong. “What chismis?” taka kong tanong at muling ibinalik ang tingin kay Mara. Ngumisi siya at kumindat sa akin. “Na hindi totoong matagal na kayong magka relasyong dalawa. Ang totoo ay nagpakasal lang kayo para maisalba ang kompaniya mo, Aza. Tama ako?” tanong niya. Nag taas baba ang kilay ni Mara kaya napatikhim ako. Sinabi ko na iyon sa kaniya eh. Inamin ko sa kanila ni tita Louise. “Nagpapaniwala ka naman sa chismis, Mara eh! Kakanuod mo yan ng k-drama.” saad pa ni Lucas at mas umusog pa papalapit sa akin. Na

