“Where are you?!” singhal ko nang sagutin niya ang aking tawag. Nandito ako sa opisina niya at sinabi sa akin ni Andrew na hindi pa raw siya dumadating dito. “Baby, galit ka parin—“ “Oo kasi nakakainis ka! Nasaan kaba? Bakit wala ka sa opisina mo, Lucas?” singhal ko. “Nasa bahay padin ako.” saad niya. Mabilis kong pinatay ang tawag at lumabas ng opisina niya. “Nasaan daw ba si boss, Aza?” tanong ni Andrew. Napabuntong hininga ako at tumigil sa paglalakad. “Nasa bahay pa. Akin na yang importanteng papeles na sinasabi mo. Wag ka ng sumama, ako na lang magpapaperma niyan.” sambit ko. Napangisi siya at mabilis na inilahad sa harapan ko ang tatlong folder. Tinanggap ko iyon at mabilis na nagpaalam sa kaniya at umalis na sa building. Habang nasa biyahe ay tumawag si Max sa akin. “M

