LUCAS' POV
"Come on, baby uwi na tayo. Mapapatay na ako ng nanay mo kanina pa iyon tumatawag." sambit ko at pilit na kinukumbinsi ang pamangkin kong umuwi na dahil alas singko na ng hapon.
Malalagot ako kay Mara nito eh. Kanina pang alas kwatro tumawag iyon at sinabing iuwi ko na daw ang anak niya. Siya na nga nag utos siya pa ang galit.
Haynaku!
"I'm tired, tito handsome. Let's stay here for a while." mala prinsesa niyang sagot sabay higa sa couch. Napakamot na lang ako sa ulo dahil sa katigasan ng batang ito.
Sabagay may pinagmanahan naman talaga.
Napaigtad ako dahip biglang nag ring ang cellphone ko. Si Mara na naman, tumatawag.
"Hello—"
"Lucass! Iuwi mo na nga ang anak ko! Aba anong oras na oh!"
Napangiwi ako sa galit na boses ni Mara.
"Ayaw umuwi eh! Anong gagawin ko?" nakanguso kong sambit.
"Pupunta kami diyan." boses iyon ni ng kapatid ko na si Logan.
"Hayy! Salamat naman!" bulalas ko bago pinatay ang tawag at muli na lamang naupo sa upuan ko.
Ilang minuto lang ay nag text si Mara sa akin na malapit na sila sa building kaya muli akong tumayo.
"Tara na, baby. Nandiyan na sa labas ang mommy at daddy mo, lagot ka." saad ko kaya napanguso siya at malditang tumayo.
"Tito handsome please fix my hair." anas niya pa kaya agad akong naupo sa couch at inayos ang magulo gulo niyang buhok.
"There. Let's go?" anyaya ko at magkahawak kamay kaming naglakad papalabas ng opisina ko.
Binabati ko pabalik ang mga empleyadong bumabati sa akin. Siyempre good mood na ako ngayon eh!
Pagkababa namin sa groundfloor ay agad kong namataan ang mag asawa. Si Mara masama agad ang tingin sa akin na para bang kasalanan ko kung bakit di pa nakakauwi ang anak niya eh alam naman niyang matigas ang ulo ni Blaire eh.
"Yow, husband and wife." bati ko sa kanila.
"Hi mommy, hi daddy!" bati ni Blaire sabay lapit sa parents niya.
"What's that, baby?" tanong ni Mara sabay turo sa hawak hawak na magazine ni Blaire. Napabuntong hininga ako dahil dinala niya talaga iyon.
"Hiningi niya sa akin. Sino ba naman ako para tumanggi sa isang prinsesa hindi ba?" nakangisi kong usal.
"I'll let mamala see this po. Tito handsome's girlfriend is here eh." bigla niyang saad na ikinalaki ng mga mata ko.
Oh s**t!
"Baby naman.. akala ko ba secret natin iyon?" nakanguso kong saad. Inosente niya lang akong tiningnan at nagpabuhat na sa tatay niya.
"Thank you, brother. We'll get going." Pahayag ni Logan kaya tumango ako at sumaludo.
Sinubukan kong hablutin ang magazine kay Blaire pero talaga namang matatalino ang lahi namin dahil niyakap niya iyon at dinilaan pa ako!
Napakamot na lang ako sa batok at nagdasal na sana ay makalimutan niya kinabukasan iyon. Lagot ako nito kapag nalaman ni mommy na gusto ko si Aza. Iseset up kami nun!
Pinanuod ko ang pag alis ng sasakyan nila bago ako dumiretso sa parking lot at tinungo ang sarili kong sasakyan.
"Hayyy buhay!" usal ko bago binuksan ang sasakyan at mabilis na pumasok doon. Ganun na lamang ang pagkatuod ng katawan ko dahil may katabi ako sa passenger's seat!
"Drive." usal niya habang may nakatutok na baril sa akin.
Parang gusto kong mapangisi nang marinig ang boses niya.
Shit! Di ako pwedeng magkamali! Si Azalea ito, ang babygirl ko!
"Saan punta?" napapalunok kong tanong habang nagdadrive. Panaka naka akong lumilingon sa kaniya. Naka tabon ang mukha niya at tanging mata lang ang nakikita pero hindi iyon naging hadlang parang magandahan ako sa babygirl ko.
Damn! Baliw nga talaga ako. Ayos lang, importante gwapo.
"Just drive. Stop looking at me! Eyes on the road!" naiinis niya pang singhal na ikinanguso ko.
"Wag mo nang takpan ang mukha mo, kilala naman kita eh." Hindi ko napigilang sambit at napangisi.
Nakita ko kung paano niya pinaikot ang mga mata.
Tangina. Nanggigigil tuloy ako. Kapag yang mga matang yan pinatirik ko, naku!
Huminga ako ng malalim at pinakalma ang sarili.
Dire diretso lang ang pagdadrive ko at sinusunod ang instructions ng babygirl ko hehe. Kahit saan pa kami umabot ay ayos lang, mapapakanta pa ako nung kantang may ayaw ko ng pumara pag ikaw ang kasama.. ganun!
"There! Liko mo diyan." utos niya kaya niliko ko at napagtantong nandito kami sa pier. Napatitig ako sa hawak niyang baril.
"Totoo ba yan? Marunong kang gumamit niyan?" kyuryoso kong tanong pagkahinto ng kotse. Napaawang ang mga labi ko nang bahagya siyang lumapit sa akin at pinindot ang pag unlock ng pintuan ng kotse.
Bango..
Napapikit ako at ninamnam ang mabango niyang amoy. f**k! Mas lalo akong nababaliw eh.
Mabilis akong napalingon nang bumukas ang pintuan sa gilid ko. Nahawakan ko ang kamay ng isang lalaki bago pa man niya mailapat ang panyo sa aking ilong.
"No need for that. Hindi naman ako tatakas eh, take me wherever you want." kalmado kong usal sa babygirl ko na nasa aking tabi lang. Napabuntong hininga siya at inagaw sa lalaki ang panyo. Hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa.
Naupo siya sa kandungan ko!
Natuod ang buong katawan ko at hindi ako makagalaw. Nanlaki ang aking mga mata nang bigla niyang inilapat sa aking ilong ang panyo. Pinigilan ko ang paghinga nang makitang tinanggal niya ang suot niyang bonet.
Iyon lang talaga ang hinintay ko bago huminga at unti unting nanlabo ang aking mga mata.
So, eto pala ang plano niya? I actually thought na hanggang pangungulit lang siya. f**k! I didn't know na kaya niya pala akong kidnapin.
Nagising ako sa loob ng isang madilim na kwarto. Napahawak ako sa batok at napadaing dahil nangangalay iyon. Inilibot ko ang paningin ag napanguso nang hindi ko makita ang babygirl ko.
Saan niya kaya ako dinala?
Tumayo ako at naglakad papalapit sa pintuan pero pagpihit ko sa siradura ay naka locked iyon.
"Ay talaga naman oh." mangha kong usal at natawa. Kinapa ko ang gilid ng pintuan at naghanap ng switch. Mabilis ko iyong pinindot kaya nagliwanag ang buong paligid ko.
Tinungo ko na lamang ang banyo at naghilamos doon at nagmumog. Inamoy ko din nag sarili dahil baka mabaho na ako pero ayos pa naman ang amoy ko.
Pagkalabas ko sa banyo ay napangiti ako nang makita siyang nakaupo sa aking kama at may hawak hawak na mga dokumento.
"Ano yan?" taka kong tanong. Nilingon niya ako at tumayo.
"Papers na kailangan mong permahan." simple niyang sagot.
"Ayaw ko." mabilis kong tugon at naupo sa kama. Masama niya akong tiningnan.
"You don't have a choice, Lucas!" asik niya at lumapit sa akin.
"Permahan mo to!" wika niya pa pero kalmado akong umiling.
"Marriage contract yan diba? Hindi ako magpapakasal sayo. Ayaw kitang maging asawa." I tried to provoke her. Lumapad ang ngisi ko nang makitang iritado na siya.
"At bakit naman? I'm a perfect wife naman ah!" inis niyang sambit. Nagkunwari akong nagulat sa sinabi niya.
"Talaga ba? I can't see it. Do you even know how to satisfy a man, Azalea?" pang iinis ko pang saad.
Umawang ang labi niya at inis akong sinabunutan. Imbes na masaktan ay nagustuhan ko pa iyon! s**t!
"Ofcourse I can! How dare you!" Nag uusok ang ilong niyang bulalas.
"You never had a boyfriend, Aza. Paano mo nasabi?" taas kilay kong tanong sa kaniya. Naningkit ang mga mata niya akong tinitigan.
"Pwede mo namang sabihin ng diretso na gusto mo ang katawan ko, Lucas kapalit ng pagpapakasal mo sa akin." seryoso niyang sambit. Napalunok ako dahil doon.
"I-I was just joking—"
"Pwes, hindi ako nagbibiro. I'm dead serious." saad niya at itinulak ako kaya napahiga ako sa kama. Mabilis niya akong pinatungan at parang tinambol ang puso ko nang maramdaman ang dila niya sa aking leeg.
Umawang ang bibig ko at naramdaman ang pagsikip ng suot na pants!
"A-Azalea.." nahihirapan kong usal ay hinawakan ang magkabilang balikat niya. Sandali niya akong tiningnan bago ako siniil ng madiing halik.
Diyos ko po! Ang sarap.. Sana di to panaginip.