LUCAS' POV "Calm down, Lucas. Pupunta kami ni Blaire diyan ngayon din. Calm down, son." rinig kong pahayag ni mommy kaya mas lalo akong napaiyak. "Thanks mom. Please hurry. Di ko na kayang nakikitang nahihirapan ang asawa ko." umiiyak kong usal. “Yes, we’ll use the chopper.” rinig kong sambit ni mommy at may tinawag na kasambahay. I nodded repeatedly bago pinatay ang tawag at napahilamos na lamang sa mukha. Hindi ako mapakali sa kwarto. Palakad lakad ako habang hinihintay silang dumating. Ilang minuto pa bago ko naisip na punasan ulit siya para gumaan man lang ang pakiramdam niya. Dali dali akong nagpunta sa banyo at kinuha ang ginamit kaninang planggana at ang boxer kong ginamit din kanina. “Hmm.. n-no it’s c-cold!” Nakapikit na asik ng asawa ko nang magtangka akong punasan ang b

