LUCAS' POV "Where is he? Where is your boss!" Napataas ang kilay ko nang biglang bumukas ang pintuan ng opisina ko at pumasok ang nagagalit na ama ng asawa ko. Oh.. I smiled evily bago tumayo sa swivel chair. Tiningan ko si Andrew na nasa likod ni Mr. Del Fierro at tinanguan ko siya. Agad niya namang nakuha ang ibig kong sabihin at lumabas ng opisina ko. Kalmado kong binalingan ang ama ng asawa ko. Iginiya ko pa ang kamay ko patungo sa couch dahil may kaunti pa akong natitirang respeto sa kaniya. "What's the meaning of this, Lucas?" dumagundong ang galit niyang boses sa buong opisina ko. Galit niyang inilapag ang dalawang brown envelop sa mesa ko. Naupo naman ako sa kaharap niyang couch at kalmado iyong binuksan. "Oh.. eto pala ang rason kung bakit kayo napasugod dito sa kom

